----------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – HUMAKOT ng samo’t-saring parangal ang nasabing bayan sa larangan ng iba’t-ibang kompetisyon sa loob ng 3-araw na selebrasyon ng ika-20 taong anibersaryo at 10th MunahTo Festival na ginanap sa provincial Capitol Ground sa bayan ng Alabel.
Nangunguna sa mga nakuhang parangal ng lokal na pamahalaan ang paghirang ng Kagawaran ng Interyor at Pamahalaang Lokal o DILG (sa ilalim ng kategorya-A) ng Brgy. Malandag, sa pamumuno ni ABC president at Malandag Bgry. Capt. Delia F. Constantino, bilang “Best Barangay” sa pangkalahatang bilang na 140 barangays sa buong lalawigan ng Sarangani.
Kaunod nito ay ang pagkapanalo ng Brgy. Datal Bila sa pamumuno ni Brgy. Kapitana Yolly Santos bilang 2nd runner-up sa ilalim ng katergorya-B, kung saan ang unang pwesto’y napanalunan ng Brgy. Wali sa bayan ng Maitum.
Sa isinagawang pakikipagpanayam kay DILG-MLGOO Beng Deceo ay ipinaliwanag nito na ang mga barangay na nakipagpaligsahan umano sa ilalim ng kategorya-A ay yaong mga tumatangap ng internal revenue allotment o IRA na mula P1.5M pataas and bawat taon, samantalang ang nasa kategorya-B naman ay yaong mga nakakatangap lamang ng mas mababang halaga.
Naging kamp’yon naman ang Banate Nat’l high school sa street-dancing competition, samantalang naging 1st runner up din ang Malungon sa drum and lyre competition.
Tinanghal din ito ng DA-12 at MRDP bilang “2nd best performing local government unit” sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Reynaldo F. Constantino, kaugnay sa implementasyon ng mga proyektong gawa sa ilalim ng Community Fund for Agriculture Development o CFAD. Nagwagi din bilang 2nd placer at tumangap ng P250, 000 na premyo ang Pangyan, Poblacion Small Farmers Association (PPSFA) sa isinagawang paligsahan ng DA-12 at CFAD hingil sa “diversified implementation farming system” na dinaluhan ng may 139 people’s organizations (POs) mula sa iba’t-ibang panig ng lalawigan.
Sa isinagawang municipal showcase competition ay nanalo din ng 2nd prize ang ‘Fabli Gu Ni’ (meaning I am selling this) ng bayan.
Ayon kay Constantino, ang patuloy na pagunlad at pagkamit ng mga parangal ng Malungon ay bunga ng matibay na pagkakaisa’t samahan ng mga Lumads at mga Krestiyano, na nagsilbing matibay na pundasyon ng bayan patungo sa hangarin nitong pagbabago, katahimikan at kaunlaran.
“Amo gani nga nagalaum gid ako nga indi lamang amo ini nga mga premyo kag kaayuhan ang mahimo nga maabtan sang Malungon kung magpadayon lamang nga maghululugpong kag magbinuligay ang tanan,” ani Constantino. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
No comments:
Post a Comment