--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – NAGING makulay ang Kapaskuhan ngayon para sa mga kabataan at ilan pang mga may kapansanan matapos makatangap ng kani-kanilang mga wheelchair mula sa The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (LDS Charities) sa bayan ng Malungon, Sarangani Province.
Ayon kay Mayor Bong Constantino, ang naturang donasyon ay kusang ipinaabot ng LDS Charities sa tulong na rin ng Kalinga Party List, mula Cebu City para ipamigay sa mga batang may kapansanan na nagmula pa sa iba’t-ibang bahagi ng kabayan.
Sa pakikipagpanayam kay Ruth Arangote ng Municipal Social Welfare and Development Office ay sinabi nito na karamihan sa mga nakatangap ng naturang donasyon ay yaong mga batang may sakit na hydro cephalous at iba pang uri ng karamdaman na naging sanhi ng pagkaparalisa ng ilang bahagi ng kanilang katawan.
Ayon din dito, ang walong wheelchairs ay ipinamahagi sa mga benepisaryo ng Barangays Alkikan (3), Malandag (1), Pacheco, Poblacion (1), Lamcanal at Banate. Ani Alexander Villalon, consultant ng Kalinga Party List, ang proyektong ito ng LDS Charities ay naiparating sa bayan sa tulong na rin ng kanilang grupo na siyang namahala umano sa pagproseso ng mga dokumento at transportasyon ng mga naturang kargamento.
Sa panig naman ng lokal na pamahalaan ay ipinaparating din ni Constantino sa nagbigay ng donasyon at sa lahat ng mga tumulong, ang kanyang labis na pasasalamat dahil sa aniya ay “napakalaking tulong na naidulot ng mga naturang wheelchairs hindi lamang sa mga direktamenteng benepisaryo nito, kundi maging sa hangarin ng kanyang administrasyon na mabigyan ng kaukulang suporta ang higit na mga nanganagailangan.
“Makita man naton sa mga mata sang mga pasyente ang ila tuman nga kalipay sa pagdawat sang sini nga mga regalo. Ini matapos ang madugay na nga panahon nga pagtinir sa isa ka lugar tungod sang kawad-on para makabakal sang amo sini nga klase sang nga wheelchairs. Gani daku gid ang akon pagpasalamat sa sini nga proyekto, kag amo man sa mahimo pa nga mag-abot nga bulig halin sa nagkadaiya nga grupo kag organisasyon, kung para lamang ini sa kaayuhan sang akon nga mga pinalanga nga kasimanwa diri sa banwa sang Malungon,” ani Constantino. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment