--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON,
Sarangani – INAASAHAN ang ayon pa’y malaking tulong na mula sa Department of Environment
and Natural Resources ng mga maliliit na mamamayan sa Brgy. Laurel ng naturang bayan.
Ayon kay Brgy. Capt. Romel
Retuya, ang may 200 ektarya na ‘reforestation’ at riverbank treatment project
na ito ng DENR ay kasama sa ipinag-utos ni Pres. Nonoy Aquino na rehabilitasyon
ng may 1.5 million hectares na kagubatan sa buong kapuluan.
Sinabi ni Retuya na kabilang sa
mga direktamenteng benepisaryo ng proyektong ito ay ang mismong mga mamamayan
dahil sa ipamimigay na sweldo at honorarium ng DENR sa pagtatanim, pagbabantay
at pangangalaga ng mga itatanim na bagong puno sa kabundokan.
“Dako
gyud ang among pagpasalamat kang Mayor Bong Constantino kay tungod niya daghan
na nga kalambuan ang among nakuha. Ug pipila ra kini sa mga kaayuhang nahiabot
dinhi sa among dapit sa kabukiran,” ani Retuya. Ayon din dito, ang naturang
proyekto umano ay sasailalim sa pangangasiwa ng grupong LAVISCA o Laurel
Visaya-Kaulo Association ng nasabing pook.
Magbibigay din aniya ng pondo
ang Environment Department para sa pagkumpuni ng mga tabing ilog (riverbank
rehab) laban sa mga di inaasahang pagbuhos ng lupa (landslide) at pagbaha sa
panahon ng tag-ulan.
Lakip nito ay pinasalamatan din
ni Retuya ang lokal na pamahalaan at si Rep. Manny Pacquiao dahil sa
tuloy-tuloy na “lingap sa barangay” program sa bayan.
“Dakong opurtunidad para sa
akong mga katawhan ang maong programa kung hain halos tanan, hilabi na katong
mga gitawag nga poorest of the poor sa tribong Blaan ug mga Tagakaulos,
nakadawat gyud sa mga libreng tambal ug nagkadaiyang serbisyo publiko nga gikan
sa atong gobyerno. Makita man gyud nato nga libre na ang tanan hilabi sa mga
kinahanglanon sa mga pobre. Sama sa betamina para sa mga kabataan ug bisan pa man
gani katong mga tambal para sa agraryo,” ang dagdag pa ni Retuya.
Sinabi
din nito na magbibigay din umano si Constantino ng mahigit-kumulang sa may P1 milyon na pondo para
sa pagpagawa ng isang barangay mini-gym, at P60, 000 na para sa ipapatayong cold storage na para
sa paglagakan ng mga di agad nabibiling produkto ng mga magsasaka. (Isagani
Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment