---------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MULI na namang napatunayan ang umano’y pagiging matalik na magkaibigan nina Malungon town
Mayor Reynaldo F. Constantino at
Sarangani Rep. Emanuel ‘Pacman’ Pacquiao dahil sa kabila ng hectic schedule ni
‘idol’ ay biglaan pa rin itong dumating sa kalagitnaan ng gabi para sa pinagkaisang
RFC-AFP media thanksgiving night ng LGU-Malungon at Philippine Army sa Tierra
Montana Hotel, General Santos City.
Halos di
magkamayaw sa saya ang mahigit 70 mga mamamahayag na dumalo sa inihandang
pagtitipon-tipon nina Constantino at 1002nd Col. Gloriouso Miranda, commanding
officer ng Army 1002nd infantry Brigade, sa di inaasahang pagsulpot
ng Kongresista na noo’y nagmula pa umano sa iba’t ibang bahagi ng kanyang distrito
sa pagnanais nitong masusi ang kalagayan ng mga Sarangans, at magkaroon ng
personal na ebalwasyon sa mga kakailanganin pang mga proyekto sa patuloy na
pagsulong ng Sarangani.
“Bisan daghan ko ug appointments ug
mga prioridad nga dapat preparahan, ako jud mong giubanan karon sa inyong
selebrasyon uban ni Mayor Bong ug Col. Miranda. Ug nalipay pud ko ug dako sa
nakita nako nga paghinig-usa sa tanan pinaagi aning kasadyaan,” ani Pacquiao na
nagmula pa umano sa bayan ng Glan.
Bagama’t hindi tumagal si Pacquiao ay naging tuloy-tuloy
naman ang kasiyahan ng mga mamamahayag na inabot ng 4:00 ng madalng araw dahil
sa mga karagdagang papremyo na iniwan ni fighting-congressman.
Sa kanyang mensahe ay labis-labis naman ang naging
pasasalamat ni Costantino dahil sa ayon pa’y mainit na suportang ipinapakita ng
mga mamamahayag sa kanyang administrasyon.
“Daw talagsahon lang matabo ang amo sini kung diin
makita naton ang daw pagkadula sang mainit nga kompetisyon sa tunga sang mga
amigo ta sa media profession. Gani nalipay gid ako kay sa subong nga mga
tinion, upod sa akon, naakita ko ang kahirop sa pag-ululupod sang tagsa-tagsa, bisan
sa mga taga higante nga estasyon sang
Bombo Radyo, RMN, Radyo Alerto, Brigada Radio, Radyo Pilipino, UNTV,
TV-5 kag mga kilala nga mga publishers kag reporters sang nagkadaiya nga mga pahayagan
nga ginapasalamatan ko gid sang dako sa ila padayon nga pagsuporta sa akon
administrasyon,” ani Constantino na kilalang malapit na kaibigan ng media sa
Sarangani.
Sa ipinag-isang ‘Media Night’ ng Malungon LGU at
Philippine Army ay tumangap ng mula P3, 000 hangang 5, 000 ang bawat kuponan ng
media na nagwagi sa iba’t ibang paligsahan, samantalang tig-P1, 000 naman ang mga
nanalo sa individual categories.
Maliban dito ay tumangap din ng tig-P2, 000 mula kay
Pacman, ang bawat mamamahayag na dumalo sa ipinatawag na pasasalamat ni
Constantino.
Noong
nakaraang taon ay ipinatawag din ni Constantino ang mga kaibigan sa press-media
para sa isang “ RFC Media night
2011,” dahil sa naging aktibo at
boluntaryong coverage ng mga ito sa loob
ng may ‘san lingong selebrasyon ng ‘Foundation at Slang Festival’ sa bayan ng
Malungon.
Maalala rin na sa gitna ng nakaraang
pagtitipon (2011) ay personal na umakyat sa intablado ng Family Country Homes
Hotel ang mga kilalang mga taga-ulat na mula sa print, TV at radio stations
para personal na ipahayag sa alkalde ang kanilang suporta sa lokal na pamahalaan
ng Malungon.
“Pero daw mas masadya pa gid ning
natabo subong kay luwas sang presensiya sang aton mahal nga Kongresista, upod
pa gid naton subong nga nagaselibrar ang maabtikon nga Army brigade commander naton
nga si Col. Miranda. Gani, pinaagi sa aton nga pagbinuligay, upod sang aton
D’yos, nagapati ako nga makaselibrar pa gid kita sang mas-masadya nga media night sa mga sumusunod pa nga mga panahon,” ang
dagdag ni Constantino.
Samantala, malaki ang paniniwala ni
Miranda na sa masigla na relasyong media-militar ay magkakaroon ng mas
epiketibong kaagapay ang pambansang hukbo para maiparating kay Juan Dela Cruz ang
mga pagbabago, pinag-tibay at epiktibong pamamaraan ngayon ng gobyerno na
sadyang denisenyo ni Pres. Noynoy Aquino para mapangalagaan at mabigyan ng mas
magandang kinabukasan ang bawat Pilipino.
“Tonight’s activity is a
manifestation of the LGU-military cooperation and collaboration, as we recognize
the fact that because of this bayanihan partnership, we have able to accomplish
many big activities since the past years,” ani Miranda, na ngayo’y muli na
namang pinasisigla ang AFP-Media relation sa pagtalaga kay Capt. William T.
Rodriguez bilang public information officer ng Kampo Agaab na naka-base sa Brgy.
Malandag, Malungon, Sarangani. (Isagani Palma/ MIO-Malungon)
No comments:
Post a Comment