|
Glorious, RFC-Media night – (L-R) Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino
of Malungon, Sarangani and 1002nd Army brigade commander,
Col. Gloriouso Miranda cheers with amusement as they watch various media presentations in
the recently held “RFC-AFP night with the PRESS” in Tierra Montana Hotel, General
Santos City. (Isagani Palma/ MIO-Malungon) |
|
Press ‘Amahan’ of the South – Malungon town Mayor
Reynaldo “Bong”
Constantino of Sarangani in Southern Philippines, gesture gratefulness
to
some 70 media practitioners amid the recently held “RFC-AFP night with
the
PRESS” at the Tierra Montana Hotel in General Santos City. Constantino
thanked media friends for a coverage well done, during the 5-day
celebration of Malungon town's 43rd year Foundation Anniversary.
(Isagani Palma/
MIO-Malungon). |
|
‘RFC-AFP, Media partnership’ – Some 70 media practitioners took
turns of taking ‘wacky shots’ with (seated L-R) Army Col. Rey Alvarado, Malungon town Mayor Bong-bong Constantino,
Army 1002nd brigade commander Col. Gloriouso Miranda during
the recently held “RFC-AFP night with the PRESS” in Tierra Montana
Hotel, General Santos City. (Isagani Palma/MIO-Malungon). |
|
“My town’s partner in progress, development” – Sa kanyang mensahe sa
kagaganap lamang na “RFC-AFP night with the PRESS” ay binigyan ng diin ni Malungon,
Sarangani Mayor Bong-bong Constantino ang labis na pasasalamat sa mga
mamamahayag dahil sa ayon pa’y aktibo at makatotohanang pagtulong sa kanyang
administrasyon. Ang naturang okasyon na
magkasamang binuo ni Constantino at Army 1002nd brigade commander
Col. Gloriouso Miranda ay lalong sumigla
sa di-inaasahang pagsipot sa kalagitnaan ng gabi, ni Rep. Manny Pacquiao sa
Tierra Montana Hotel, General Santos City. (Isagani Palma/ MIO-Malungon). |
|
RFC-AFP media troop? – Sina (L-R) correspondent Adel Mangubat
(a.k.a Adela) at publisher nitong si Italy Castro ng The Frontliner; Lito Acebedo at
Ploy Golez ng The Southern Review at D’yaryo publisher Bonie Templonievo habang
naghahanda para sa kanilang presentasyon sa “RFC-AFP night with the PRESS” nina
Malungon, Sarangani Mayor Bong-bong Constantino at Army 1002nd brigade
commander Col. Gloriouso Miranda noong M’yerkules ng gabi sa Tierra Montana
Hotel, General Santos City. (Isagani Palma/ MIO-Malungon). |
|
Mix-media ‘pambato’ dancers – Mga pinagsanib na ‘pwersa’ ng The Southern Review, Brigada
News, RMN-DXMD at The Newsmaker sa kanilang pambato presentation sa “RFC-AFP
night with the PRESS” nina Malungon town Mayor Bong-bong Constantino at Army
1002nd brigade commander Col. Gloriouso Miranda, na dinaluhan ni Sarangani
Rep. Manny Pacquaio sa Tierra Montana Hotel, General Santos City. (Isagani
Palma/ MIO-Malungon). |
|
The PRESS and
Sarangani top guns – Sina Malungon town Mayor Bong-bong Constantino, Rep.
Manny Pacquiao at 1002nd Army brigade commander Col. Gloriouso Miranda
habang matamang nanunuod sa presentasyon ng iba’t ibang grupo ng media sa
katatapos lamang na “RFC-AFP night with the PRESS” noong M’yerkules ng gabi sa
Tierra Montana Hotel, General Santos City. (Isagani Palma/ MIO-Malungon). |
---------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MULI na namang napatunayan ang umano’y pagiging matalik na magkaibigan nina Malungon town
Mayor Reynaldo F. Constantino at
Sarangani Rep. Emanuel ‘Pacman’ Pacquiao dahil sa kabila ng hectic schedule ni
‘idol’ ay biglaan pa rin itong dumating sa kalagitnaan ng gabi para sa pinagkaisang
RFC-AFP media thanksgiving night ng LGU-Malungon at Philippine Army sa Tierra
Montana Hotel, General Santos City.
Halos di
magkamayaw sa saya ang mahigit 70 mga mamamahayag na dumalo sa inihandang
pagtitipon-tipon nina Constantino at 1002nd Col. Gloriouso Miranda, commanding
officer ng Army 1002nd infantry Brigade, sa di inaasahang pagsulpot
ng Kongresista na noo’y nagmula pa umano sa iba’t ibang bahagi ng kanyang distrito
sa pagnanais nitong masusi ang kalagayan ng mga Sarangans, at magkaroon ng
personal na ebalwasyon sa mga kakailanganin pang mga proyekto sa patuloy na
pagsulong ng Sarangani.
“Bisan daghan ko ug appointments ug
mga prioridad nga dapat preparahan, ako jud mong giubanan karon sa inyong
selebrasyon uban ni Mayor Bong ug Col. Miranda. Ug nalipay pud ko ug dako sa
nakita nako nga paghinig-usa sa tanan pinaagi aning kasadyaan,” ani Pacquiao na
nagmula pa umano sa bayan ng Glan.
Bagama’t hindi tumagal si Pacquiao ay naging tuloy-tuloy
naman ang kasiyahan ng mga mamamahayag na inabot ng 4:00 ng madalng araw dahil
sa mga karagdagang papremyo na iniwan ni fighting-congressman.
Sa kanyang mensahe ay labis-labis naman ang naging
pasasalamat ni Costantino dahil sa ayon pa’y mainit na suportang ipinapakita ng
mga mamamahayag sa kanyang administrasyon.
“Daw talagsahon lang matabo ang amo sini kung diin
makita naton ang daw pagkadula sang mainit nga kompetisyon sa tunga sang mga
amigo ta sa media profession. Gani nalipay gid ako kay sa subong nga mga
tinion, upod sa akon, naakita ko ang kahirop sa pag-ululupod sang tagsa-tagsa, bisan
sa mga taga higante nga estasyon sang
Bombo Radyo, RMN, Radyo Alerto, Brigada Radio, Radyo Pilipino, UNTV,
TV-5 kag mga kilala nga mga publishers kag reporters sang nagkadaiya nga mga pahayagan
nga ginapasalamatan ko gid sang dako sa ila padayon nga pagsuporta sa akon
administrasyon,” ani Constantino na kilalang malapit na kaibigan ng media sa
Sarangani.
Sa ipinag-isang ‘Media Night’ ng Malungon LGU at
Philippine Army ay tumangap ng mula P3, 000 hangang 5, 000 ang bawat kuponan ng
media na nagwagi sa iba’t ibang paligsahan, samantalang tig-P1, 000 naman ang mga
nanalo sa individual categories.
Maliban dito ay tumangap din ng tig-P2, 000 mula kay
Pacman, ang bawat mamamahayag na dumalo sa ipinatawag na pasasalamat ni
Constantino.
Noong
nakaraang taon ay ipinatawag din ni Constantino ang mga kaibigan sa press-media
para sa isang “ RFC Media night
2011,” dahil sa naging aktibo at
boluntaryong coverage ng mga ito sa loob
ng may ‘san lingong selebrasyon ng ‘Foundation at Slang Festival’ sa bayan ng
Malungon.
Maalala rin na sa gitna ng nakaraang
pagtitipon (2011) ay personal na umakyat sa intablado ng Family Country Homes
Hotel ang mga kilalang mga taga-ulat na mula sa print, TV at radio stations
para personal na ipahayag sa alkalde ang kanilang suporta sa lokal na pamahalaan
ng Malungon.
“Pero daw mas masadya pa gid ning
natabo subong kay luwas sang presensiya sang aton mahal nga Kongresista, upod
pa gid naton subong nga nagaselibrar ang maabtikon nga Army brigade commander naton
nga si Col. Miranda. Gani, pinaagi sa aton nga pagbinuligay, upod sang aton
D’yos, nagapati ako nga makaselibrar pa gid kita sang mas-masadya nga media night sa mga sumusunod pa nga mga panahon,” ang
dagdag ni Constantino.
Samantala, malaki ang paniniwala ni
Miranda na sa masigla na relasyong media-militar ay magkakaroon ng mas
epiketibong kaagapay ang pambansang hukbo para maiparating kay Juan Dela Cruz ang
mga pagbabago, pinag-tibay at epiktibong pamamaraan ngayon ng gobyerno na
sadyang denisenyo ni Pres. Noynoy Aquino para mapangalagaan at mabigyan ng mas
magandang kinabukasan ang bawat Pilipino.
“Tonight’s activity is a
manifestation of the LGU-military cooperation and collaboration, as we recognize
the fact that because of this bayanihan partnership, we have able to accomplish
many big activities since the past years,” ani Miranda, na ngayo’y muli na
namang pinasisigla ang AFP-Media relation sa pagtalaga kay Capt. William T.
Rodriguez bilang public information officer ng Kampo Agaab na naka-base sa Brgy.
Malandag, Malungon, Sarangani. (Isagani Palma/ MIO-Malungon)