MALUNGON, Sarangani – AABOT sa 232 na paaralan ang sinasabing nakiisa sa isinagawang 3-day Girl Scout of the Philippines (GSP) Outdoor Training Course mula Sept. 23-25 sa bayan ng Malungon, Sarangani.
Ayon kay Annaliza Domingo, Girl Scout division coordinator, inaasahan umano ang
Pagdalo ng may 500 partisepantemula sa pitong (7) bayan ng sarangani at sa kalapit na probinsiya ng South Cotabato para sa naturang pagsasanay na lakip ang samot-saring scouting activities, campfires at scout survival training sa Sunken Arena at municipal gymnasium.
“Ako mismo ang nag-indorso na dito ilagay ang GSPOTC dahil sa nakita ko na potensiyal ng Sunken Arena, mga seminar facilities at peace and order ng Malungon,” ani Domingo.
Samantala, Masaya namang ipina-abot ni Board Member Eleanor Constantino-Saguiguit sa mga nasipagdalo ang ayon pa’y planong pagiindorso ng Sangguninag Panlalawigan ng isang resolusyon para tuluyang paghiwalayin ang BSP-Sarangani mula sa mother unit nito sa BSP South Cotabato.
Ayon kay Saguiguit, maliban sa separasyon ng Sarangani mula sa lalawigan ng Timog Kotabato dahil sa ipinasang batas ni dating Rep. James L. Chiongbian sa Kongreso, ay naiwan pa rin na nakabinbin ang pagiging bahagi ng BSP-Sarangani sa Katimogang bahagi ng Kotabato.
“There is much to happen in the SP, as there is much to do. But expect this to be among our priorities,” ani Saguiguit, na kasamang nakiisa sa naturang okasyon si PCL ex-officio at Malungon SB member Armand Guili.
Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constanitno, ang patuloy na pagpili sa bayan ng Malungon bilang isa sa mga sentro ng pagdadarausan ng mga iba’t-ibang kaganapan ay isang malinaw na patunay lamang na tuluyan ng nabura mula sa isipan ng tao ang dati’y madilim na pagkakilala nito sa Malungon bilang isa sa pinakamagulong bayan ng lalawigan.
“The town’s hosting of different events is of lucid manifestation that it is now considered by many to be the most peaceful municipality here in the province. And this administration will be working harder for Malungon to be known of its developmental transformation and peaceful environment in this part of the region,” ani Constantino. (Isagani P. Palma/MIO).
No comments:
Post a Comment