Monday, October 17, 2011

Bahagi ng P9.7M MRDP-CFAD, ibubuhos sa dating balwarte ng mga outlaws

From trial to marriage - Matamang ipinaliliwanag ni Vice Mayor Ben Guilley ang kahalagahan ng matrimonya sa isinagawang kasalang bayan sa gitna ng “Lingap sa Barangay” na programa ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Malabod, isa sa mga liblib na pook na dati’y kilala bilang “balwarte ng mga bandido” sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
____________________________________________________________________________


MALUNGON, Sarangani – MALAKI ang paniniwala ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng patuloy na pagbuhos ng samot-saring tulong at proyekto mula sa gobyerno ay tuluyan ng “matatabunan” nito ang dati’y naging madilim na nakaraan ng iilan na minsa’y tinawag na mga ‘pusakal’ ng kabundokan.
 
            Sa nalalapit na implimentasyon ng may P30M na LGU annual implementation plan (AIP) at nang may P9.7M na proyektong inilaan ng Departamento ng Agrikultura para sa pagkumpuni’t pagbubukas ng mga bagong daan sa kabundokan ay pinaniniwalaan na magiging tuloy-tuloy na  ang pamamayagpag ng Malungon bilang pinakatahimik at progrisibong bayan sa buong lalawigan.      

                Ayon sa itinalagang LGU Agri-Flagship director ni Mayor Reynaldo F. Constantino na si Nelson Sadang, kalakip umano sa proyektong mula sa MRDP-CFAD, lokal na pamahalaan at provincial government ay ang pagbigay ng may P2.5 milyones (P500, 000) na pundo sa barangay JP Laurel, Banate, Kawayan, San Miguel at San Roque para sa ibat-ibang uri ng proyekto (livelihood projects) na pinaniniwalaang makakapag-angat ng kabuhayan ng mga maliliit na mamamayan nito.

    “All beneficiaries will be organized into a people’s organization in every barangay with a total fund distribution cost of P500 per barangay. Chosen beneficiaries are those considered to be belonging to poorest of the poor families in the locality,” ani Sadang.

     Sinabi din nito na ang patuloy na pagbukas ng mga bagong daan sa kabundokan ay di lamang magiging kaaya-aya para sa mga magsasaka kundi ito’y magiging isa ring malaking tulong para sa mga batang paslit na nagsusumikap lumakad ng may ilang kilometro bawat araw para makarating sa mga pinapasukang paaralan.   
   
“The Agriculture Department, through its Mindanao Rural Development Program (MRDP), will be stretching a P7.725M-worth farm to market road project in Barangay Malabod and Kiblat which is aimed at providing better access for the farm produce of farmers in 2012, while this 50-50 concrete and all-weather road project will not only benefit farmers but likewise school children who used to walk for hours, cross the river and trek along muddy trails in going to school,” ani Sadang.  
  
                Matatandaan na dahil sa pagsusumikap ni Constantino at sa tulong na rin ng pulisya’t militar ay napatahimik nito ang mga liblib na pook na kung may ilang dekada ring kinatakutan ng mga naninirahan sa kabihasnan. Sa pamamagitan ng personal na pag-akyat ng alkalde sa mga kabundokan ay naakin ni Constantino ang minimithi nitong kapayapaan at katahimikan sa kanyang bayan. 

Sa ilang pagtitipon, sinabi ni Gov. Miguel Alcartara-Dominguez na ang patuloy na pamayagpag ng kapayapaan sa bahaging ito ng Sarangani ang isa sa mga naging dahilan sa patuloy na pagdaloy ng mga proyekto ng pamahalaan sa buong kabayanan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon)

No comments:

Post a Comment