________________________________________________________________________
MALUNGON, Sarangani - Umabot sa may 510 meyembro ng Senior Citizens Federation ang nagsaya’t nakiisa sa kulminasyon ng Elderly Filipino Week noong araw M’yerkules sa bayan ng Malungon, Sarangani.
Sa isinagawang pagtitipon sa ilalim ng temang:” Nakakatanda: Gabay, tulay, kaagapay at bantay tungo sa kaunlaran” sa loob ng municipal gymnasium ay pinarangalan ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ang mga nakakatanda sa ayon pa’y lahat ng mga naibahagi ng mga ito tungo sa patuloy na pamamayagpag ng kaunlaran at katahimikan sa buong bayan.
“Ginatagaan ko gid sang daku nga pagpasalamat kag bili ang ginahimo nga pagtabang sang atong mga nanay kag tatay, lolo kag lola sa aton lokal nga paggamhanan para sa diretso kag malig-on nga pag-asenso sang aton pinalanga nga Malungon. Gani ginapaabot ko nga tungod sini, magabutang na sang tawo ang aton LGU para mag-duty sa aton Senior Citizens Office para mag-atipan sa mga kinahanglanon sang aton mga ginikanan diri sa banwa sang Malungon,” ani Constantino, sa gitna ng isang masaganang kainan at kasiyahang sinabayan ng pagpili ng mga nagsibing reyna at mga eskorte ng isinagawang “beauty pageant” para sa mga Filipino elders ng bayan.
Sa kanyang maikling mensahe ay bukas namang ipinahayag ni Malungon Senior Citizen Federation president Alvinia Sequito ang ayon pa’y matibay na pagsuporta ng grupo sa lahat ng programa ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng administrasyong Constantino.
Ayon dito, ang patuloy na pagdaloy ng suporta ng LGU para sa mga matatanda sa panig na ito ng lalawigan ay isang patunay lamang ng makatutuhanang liderato na may pagmamahal at pagtingin sa mga taong minsa’y naging gabay at matibay din na kaagapay ng mga kabataan tunggo sa minimithing kaunlaran. “In behalf sa mga katigulangan, ginasiguro gid namon nga yara kay mayor ang amon suporta sa tanan nga panahon. Gani, madamo gid nga salamat sa imo kaayo sa amon Mayor Bong upod man sa nga lokal nga opisyales sang gobyerno sang sini nga pangamhanan,” ani Sequito.
Samantala, inaasahan din ang pagdagsa ng mga Filipino Elders ngayong araw (Oktobre 21) sa Kapitolyo sa bayan ng Alabel, Sarangani kaugnay ng naturang selbrasyon. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).