SPES Culmination – Si Mayor Reynaldo “Bong” Constantino habang nagbibigay ng ilang paalala sa may 88 mag-aaral (L) na benepisaryo ng Special Program for Employment of Students sa Diamond Head Resort, Malungon, Sarangani. Makikita din sa larawan si Ms. Cristina Constantino-Lapaz na tumatayong overseer ng programang SPES sa naturang bayan. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
========================================================
MALUNGON, Sarangani – MASAYANG namaalam sa isa't isa noong araw ng Huwebes ang nagsipagtapos ng isang buwan na panunungkulan bilang summer job students o benepisaryo ng programang Special Program for Employment of Student (SPES) ng lokal na pamahalaan at ng provincial government ang may 88 mag-aaral sa isinagawang pagtitipon ng mga ito sa may Diamond Head Resort ng naturang bayan.
Sa isang pakikipagpanayam ay sinabi ni Mayor Reynaldo “Bong” Constantino na ang programang SPES ay sandigan ng mga mahihirap ngunit matiyaga't nagsusumikap na mga kabataan na nagnanais makapagtapos ng kani-kanilang pag-aaral sa iba’t ibang pamantasan.
“Nagasalig ako nga kuntani nahatag ko sa inyo ang ginahandum n’yo nga bulig halin sa sini nga pang gobyerno, kag matabangan man ninyo ako sa pagpaabot sa aton nga mga katawhan sang mga reporma nga nakita ninyo sa idalum sang akon pangamhanan. I hope you also enjoyed your time in serving the people of Malungon,” ani Constantino.
Ang grupo ay iilan lamang ayon pa, sa mga estudyante na naging bahagi ng SPES sa loob ng magkasunod na tatlong taong panunungkulan ng alkalde sa bayan.
Samantala, masaya ring ipinaabot ng gobernador ng lalawigan na si Gov. Miguel A. Dominguez ang kanyang pagbati kay Constantino dahil ayon pa'y patuloy na pamamayagpag ng Malungon sa larangan ng edukasyon sa buong lalawigan.
Napagalaman din na sa kasalukuyan ay aabot na sa may P10M ang inilalaan na pondo ng bayan tuwing taon, para sa suportang ibinibigay nito sa may 517 na mga estudyante na itinuturong mga benepisaryo ng Educational Assistance Program (EAP) ng LGU.
Maliban dito ay aabot na rin umano sa mahigit-kumulang 200 educational scholars mula sa iba’t-ibang religious ministries at mga tribong B’laan at Taga-Kaulo ang kasalukuyan na ring pinapaaral ng lokal na pamahalaan.
Ayon sa alkalde, ang patuloy na pagbigay ng pagkakataon para makapagtapos ng iba’t-ibang kurso ang mga mag-aaral ng Malungon ay siyang inaasahan nito na aangat sa kabuhayan ng kanyang mga mamamayan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon)
No comments:
Post a Comment