Friday, June 10, 2011

5-ektaryang MSU campus, itatayo sa Sarangani



MSU Branch – Masusing pinagusapan nina (L-R)  OIC provincial administrator Vicente Camacho, Mayor Reynaldo “Bong” Constantino, Vice Mayor Benjamin Guilley at Bennie Llego, Municipal Admin-Officer IV noong araw ng Lunes ang plano hingil sa pagpapatayo ng sangay ng Mindanao State University sa Brgy. Malandag, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma
=======================================================

MALUNGON, Sarangani -  ISANG malaking karangalan para sa mga namumuno ng lokal na pamahalaan ang kumpermasyong dala-dala ng itinalagang administrador ng Sarangani kaugnay sa ayon pa’y pagbubukas ng sangay ng Mindanao State University dito sa bayan.             
               Sa isinagawang pagtitipon ay sinabi ni OIC provincial administrator Vicente Camacho na kasalukuyan na umanong pinaguusapan ang pagpapatayo ng may limang ektaryang school campus ng MSU sa Brgy. Malandag, Malungon, Sarangani.

              “School and government officials led by Gov. Miguel Dominguez are really keen of putting up MSU here not only because of the strategic school site but likewise to the active support and participation of the local government,” ani Camacho.

Ayon kay Mayor Reynaldo F. Constantino ay kasalukuyan na ring naghahanda para sa paglikom ng kaukulang pondo ang lokal na pamahalaan para sa gagamiting counter part nito sa pagbili ng lupa na pagtitirikan ng naturang proyekto.

“Napakagandang proyekto nito kasabay sa pagbubukas ng Brgy. Malandag bilang isa sa mga bagong bayan ng ating lalawigan. Ang pagtayo ng MSU ay kinukunsidera ko rin na isang katuparan sa minimithi ko na pagtibayin ang pamamaraan ng edukasyon at karunungan para sa aking mga kababayan,” ani Constantino. 
     
Sinabi ni Vice Mayor Benjamin Guilley na ang pagdating ng nasabing pamantasan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ay magiging isa sa mga legasiyang maiiwan nito para sa mga nagsusumikap na mga mag-aaral ng Malungon bago pa man magtapos ang termino nito sa pagka bise-alkalde sa taong 2013.

“At least magkakaroon na tayo ng kasiguruhan sa edukasyon para sa mga tribong B’laan at Kaulo ng Malungon. Dahil sa mga panibagong sestima ng educational assistance program ng ating gobyerno at sa pagtayo ng mga makabagong pamantasan, alam ko na di na magtatagal at makakalaya na rin ang aking mga mamamayan mula sa pagkagapos ng kamangmangan,” ani Guilley. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon).

2 comments:

  1. Nice. This brings quality education closer to the people of Malungon. I hope they would offer graduate programs..:D

    ReplyDelete
  2. DAMAC of Malandag NHSAugust 3, 2011 at 5:42 AM

    Bilang produkto ng MSU nasisiguro naming masasabuyan ng tamang kaalaman at dunong ang bawat batang sarangan na magagamit nilang sandata sa pakikibaka sa masalimuot ngunit mapaghamong buhay!!!

    ReplyDelete