Counterfeiter – Makikita sa larawan ang isang suspetsadong m’yembro ng sindikato na nakilala sa pangalang Apolinaryo C. Sarabillo, 50, may asawa at residente ng Brgy. Poblacion, Sulop, Davao Del Sur habang itinuturo ang mga nakumpiska ng pulisya mula sa kanyang posisyon kahapon (Agosto 19, 2013) na mga pekeng pera, granada at patalim sa bayan ng Malungon, Sarangani Province.(JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani Province – TIKLO ang pinaghihinalaang m’yembro ng isang counterfeit syndicate sa opirasyong inilunsad kahapon ng pulisya sa sitio Tagaytay, Brgy. Banate ng naturang bayan.
Ayon kay Sr. Insp. Lorobe Rojo, MPS police station chief, ay agad na nagsagawa ng pagimbestiga ang pulisya matapos makatangap ng inpormasyon hingil sa ayon pa’y paglipana ng mga pekeng pera sa naturang pook nitong mga nakaraang araw.
“I immediately dispatched police operatives headed by PSI Arman C. Tuban which positively resulted to the arrest of the suspect identified as certain Apolinario Sabillo Y Caramel, 50, married and a resident Prk. 1, Poblacion, Sulop, Davao Del Sur. As to this moment, we are now preparing appropriate charges against the suspect for inquest proceedings,” ani Rojo.
Ayon sa pulisya ay nakuha mula sa posisyon ni Sarabillo ang limang piraso ng mga pekeng P1, 000 bills, apat na tig-P500, 00; isang patalim, granada at cellular phone sa isinagawang operasyon.
Sinabi din ni Rojo na kasalukuyan nang iniimbestigahan si Sarabillo kung saan nagmumula ang mga counterfeited currencies at kung sino-sino ang mga kasamahan nito sa likod ng nasabing pangagantso. (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment