Thursday, May 16, 2013

Mayor Bong, panalo via ‘landslide’ sa Mal'gan

RFC Proclamation – Si Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino habang pormal na pinoproklama ng COMELEC noong araw ng Miyerkules (Mayo 15, 2013). Nanalo si Constantino ng may 18, 682 na boto laban kay independent candidate Atty. Julian Nineza sa naitalang bilangan na:  27, 493 - 8, 883. Makikita din sa larawan ang asawa at anak ng alkalde na sina (3rd L-R) Roselyn at Atty. Tessa Constantino, sa isinagawang proklamasyon sa loob ng Sangguniang Bayan ng Malungon, Sarangani Province.   (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ Come and enjoy SarBay Fest in Gumasa on May 24-25, 2013).


Congratulation, frontrunners! – Mainit na kinamayan noong araw ng Miyerkules (May 15, 2013) ni reelected Mayor Bongbong Constantino ang mga nagwagi sa isinagawang halalan kasama si independent Vice Mayor-elect Erwin Asgapo (2nd - L) kasunod ng isinagawang proklamasyon ng Commission on Elections sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE/ Come and enjoy SarBay Fest in Gumasa on May 24-25, 2013).
Official proclamation of poll winners in Mal’gan – Makikita sa larawan ang isinagawang proklamasyon ng COMELEC sa mga nanalong kandidato sa pangunguna ni Mayor Bong Constantino (6th - L) sa bayan ng Malungon, Sarangani Province. Mula kaliwa ay sina Municipal Councilors elect Mario Tan (PCM), Edelberto Yuzon (PCM), Ben Santos (PCM), Teody Padernilla (Independent), Benjamin Guilley (PCM), Mayor Constantino (PCM), Sarangani acting Comelec supervisor Jose Alvin Quinanola, Vice Mayor elect Erwin Asgapo (Independent), (3rd-R) Councilors Jun Escalada (PCM), Joseph Calanao (PCM), at John Henson Villareal (PCM). (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE/ Come and enjoy SarBay Fest in Gumasa on May 24-25, 2013).
 -----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Malungon, Sarangani – DAHIL sa magandang liderato ay muling nakamtan ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino  ang mainit na pagsuporta ng mga kababayan, na muling bumuhos ng panibagong  ‘landslide win’ para sa kandidatura ng huli sa ginanap na halalan sa naturang bayan.                
                
Sa ipinalabas na official tally ng Commission on Elections ay lumamang si Constantino ng may 18, 682 na boto laban sa katungaling si Atty. Julian Nineza, sa score na 27, 493 - 8, 813.
                
Samantala, nakakuha naman ang maybahay ni Rep. Manny Pacquiao na si Jinkee Jamora-Pacquiao (newly elected Sarangani vice governor) ng may 30, 229 support votes, na naging daan para magkaroon ito ng malaking kalamangan laban kay Nene Saguiguit sa ginawang bilangan sa bayan.
                
Sa pagka bise-mayor ay nanalo si Independent candidate Erwin Asgapo (19, 233 – votes) laban kay PCM vice mayoralty candidate,  Jessie Dela Cruz (15, 437).
                
Nangunguna din sa isinagawang bilangan para sa segundo distrito, ang mga kandidato sa pagka-provincial board member ng People’s Champ Movement na sina Armand Guili, Cesar Nallos, Eugene Alzate, Hermie Galzote, Virgilio Clark Tobias at Abdulracman Pangolima.  
                
Naging dominado din ng grupong PCM ang bilangan para sa mga nanalong konsehal sa score na 7-1.
                
Ang mga nagwagi para sa Konseho Munisipal ay sina:  Mariano ‘Jun’ Escalada (PCM) - 20, 892; Joseph Calanao (PCM) –19,058; John Henson Villareal (PCM) – 19, 029; Benjamin Guilley (PCM) – 18, 479; Mario Tan (PCM) -16, 862; Edelberto Yuzon (PCM) – 14,547; Ben Santos (PCM) – 14,396; at independent candidate na si Teody Padernilla – 13, 834.
                
Sa isinagawang pakikipagpanayam kay Constantino kahapon ay sinabi nito na matapos ang kampanya ay dapat na kalimutan na ang pulitika at muling magkaisa para sa mas ikagaganda ng kinabukusan ng mga mamamayan.
                
“Una sa tanan ginapasalamatan ko gid ang aton mahal nga D’yos sa paghatag sa akon liwat sang sini nga kadaugan, upod ang akon mga kasimanwa sa ginpakita nila nga pagsalig, pagsuporta kag pagkilala sa ginpakita ko nga liderato para sa kaayuhan sang tanan. Subong man, ginasaad ko ang mas maugod nga pagtrabaho upod sang aton mga bag-o nga mga opisyales, para sa ikaayo sang kinatibuk-an nga banwa sang Malungon bag-o pa man matapos ang akon pinakaulahi nga termino sa umaabot tuig – 2016,” ani Constantino.
                
Maaalala na matapos gumuhit ng may 1, 800 na kalamangan noong taong 2007 ay naging sunod-sunod na ang pagkapanalo ni Constantino nitong mga nakaraang pilian. Mula sa mahigit-kumulang 12, 000 na kalamangan noong 2010 ay muling umakyat ito sa 18, 682 votes ngayong midterm elections. Bagay na inaasahan na naman ng marami na magtatala ng panibagong ‘winning record’ sa buong lalawigan at maging sa mga kalapit na mga kabayanan.  (Isagani Palma – MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment