Monday, March 25, 2013

Liderato ni 'Migs,' pinuri sa pagtatapos ng Women's month

Sarangani’s living ‘symbol’ of good governance – Mayor Reynaldo F. Constantino cited and give honor to Governor Miguel Alcantara-Dominguez for bagging the first-ever Galing Pook Foundation’s Jessie Robledo Leadership Award (JRLA) during the culmination of Women’s Month celebration Wednesday (March 20, 2013) in Malungon, Sarangani Province. Also in photo are municipal councilors (L-R) Joseph Calanao, Mariano Escalada and Jessie Dela Cruz. (Isagani P. Palma/MALUNGON INFORMATION OFFICE).
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – BUONG pagmamalaki na ipinaabot ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino sa may 5, 000 m’yembro ng Municipal Women’s Council (MWC) noong araw ng Huwebes (March 20, 2013), ang paghanga at pagpugay nito sa liderato ni Gob. Miguel Alcantara-Dominguez matapos matangap ng gubernador ang ayon pa’y pinakauna at prestihiyosong parangal mula sa Galing Pook Foundation, ngayong lingo.

Sa pagtatapos ng women’s month celebration na dinaluhan ng may 70 iba’t-ibang grupo na kasapi ng MWC ay sinabi ni Constantino na ang pagtangap ni Dominguez ng Jessie Robredo Leadership Award (JRLA) ay malinaw na nagpapatunay lamang ng isang huwaran at makatotohanang uri ng liderato, na nagbigay-daan tungo sa mas maunlad at kaaya-ayang pamumuhay ng mga Sarangans.

 “Ginasaluduhan ko gid ang aton mahal nga gobernador sa paghatag na naman sang bag-o nga onor para sa aton nga probinsiya. Tani ining iya nga ginahimo sa pagpakita sang maayo nga liderato para makab-ot naton ini nga mga dungog magpabilin sa paminsar sang kada lider sang aton nga probinsiya, kag magin ehemplo para makadugang pa gid sa paglambo sang aton nga Sarangani,” ani Constantino.  

Ayon naman kay Sarangani Information Officer Serafin Ramos ay sinabi umano ni Galing Pook Foundation Executive Director Eddie Dorotna sa wikang Inglis na “Governor Dominguez is only 36 years old, yet he has clearly demonstrated how good governance should be practiced and pursued. Undoubtedly, this is precisely what has endeared him to his constituents and how he has gained the tremendous respect of his peers.”
“Named after the late DILG Secretary Jesse Robredo, the leadership award is conferred to incumbent mayors or governors who have shown effective, transparent, accountable, participatory, innovative and ethical leadership,” ang dagdag pa ni Ramos.

Dahil sa transparensiya at magandang panunungkulan sa gobyerno ay nakamtan din ng Sarangani LGU ang Seal of Good Housekeeping mula sa Kagawaran ng interyor at Pamhalaang Lokal (DILG) sa ilalim ng naturang liderato.

Dahil dito ay pinasalamatan din ni Constantino si Dominguez sa harap ng mga nagbubunying mga kababaihan, dahil sa lahat ng mga naging kontribusyon nito sa mabilis na pag-angat at progreso ng bayan ng Malungon nitong mga nakaraang taon.

“Masuwerte gid kita nga mga taga-Malungon kay luwas sa may ara kita sang nagapalanga nga Congressman Manny Pacquiao nga naging aktibo sa pagbulig sa aton halin sang una, may yara pa gid kita sang maayo nga gubernador nga nakaintiende sang aton sitwasyon kag mga kinahanglanon, bisan pa man gani sa kamatuoran nga ini siya indi namon kapartido sa pulitika,” ani Constantino. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

No comments:

Post a Comment