-----------------------------------------------------------------------------------------------------
GENERAL SANTOS CITY - WALANG kagatol-gatol na hinulog ni Rep. Manny Pacquiao
ang lumalabas na usaping may iilan
umanong kakandidato sa darating na halalan na makakatangap ng suporta-financial
mula sa nasabing Kongresista datapwat’t hindi naman kasapi ng People’s Champ
Movement.
“May mga binigyan ako ng ilang pagkakataon pero
binale-wala nila ito kaya’t ako na mismo ang magsasabi sa inyo (PCM official
candidates) na wala na ito sila sa listahan ko at wala silang maaasahan na
tulong mula sa akin sa darating na halalan,” ang mariing sabi ng Kongresista sa
gitna ng isinagawang exclusive dinner meeting ng grupong pinamumunuan ng
matalik nitong kaibigan na si Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, PCM executive
vice president sa Sarangani, sa Grab-a-Crab Resto-Bar, General Santos City.
Sinabi din ni Pacquiao na walang uanong dapat na ikabahala
ang lahat ng mga m’yembro ng PCM dahil isa sa mga alituntunin ng partido ay “walang
hulugan,” para makapagbigay ito ng matibay na ihemplo ng unidad at mabuting
liderato sa nasabing lalawigan.
Samantala, nagbigay din si Constantino ng mahigpit na
babala sa lahat ng mga m’yembro ng PCM na dapat magkaisa at iwasan ang
tinatawag na ‘vote for one’ na sestima sa 2013 elections, lalo na sa panig ng
mga kakandidato sa pagak-konsehal sa kanyang distrito.
“Indi gid naton paghimoon ang pagpa-boto para lang sa
aton nga kaugalingon hilabi na sa aton nga mga nagkadaiya nga mga balwarte para
lamang masiguro ang kadaugan sa eleksiyon. Kay kung matabo kag mahibal-an ko,
ako mismo ang magmando sang amo man nga klase sang diseplina kontra sa inyo,”
ani Constantino.
Sa ginanap na PCM oath taking kamakailan lang ay
kasamang nanumpa bilang bagong kasapi ng People’s Champ Movement ang bise
gobernador ng lalawigan na si Vice Gov. Steve Chiongbian-Solon na noo’y isa sa
mga flag bearers ng Sarangani Reform and Reconciliation Organization (SARRO) na
naging mahigpit na kalaban sa pulitika ni Pacquiao sa probinsiya.
Ayon sa iilan, ang pagsanib ni Solon sa partido ay isang
malinaw na indikasyon lamang ng isang magandang liderato at pamamahala ni
Pacquiao sa kanyang nasasakupan.
Samantala, kabilang sa mga incumbent at bagong opisyales
ng PCM sa bayan ng Malungon na nakatakdang magsusumite ng kani-kanilang mga ‘certifico
de candidatura’ sa Comelec ngayong araw ng Meyerkules (October 3, 2012) ay
sina: Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, Bise Mayor Jessie Dela Cruz, at sina municipal
councilors Benjamin Guilley (concurrent third-timer vice mayor), Joseph
Calanao, Mariano Escalada, Edelberto Yuzon, Mariano Tan, Nene Espinosa-Santos
at Mark Henson Villareal. Ayon sa ulat ay una na umanong nagsumite ng kani-kanilang
kandidatura sa Commission on Elections
ng Alabel sina Board Members Armand Guili at Cesar Nallos kahapon, kasabay sa
hanay nina Rep. Manny Pacqiao at sa maybahay nitong si Jinky Jamora-Pacquiao na
tatakbo sa pagka bise-gobernadora ng naturang distrito. (Isagani Palma-MALUNGON
INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment