MALUNGON, Sarangani – SINASABING mangunguna si dating senador Ernesto ‘Manong’ Maceda sa listahan ng mga susuportahang senador ng lokal na administrasyon sa ilalim ng alyansang People’s Champ Movement ni Rep. Manny Pacquiao at nang United Nationalist Alliance dito sa naturang bayan.
Ang kasiguruhang ito’y personal na ipinaabot ni Mayor Reynalso ‘Bong’ Constantino at ng mga kaalyado nito sa UNA-PCM kay Maceda dahil sa umano’y ipinakita nitong pagpapahalaga sa pamamagitan ng pagiging pinakauna na kakandidato sa pagka-senador na dumalaw sa kanyang distrito.
“Madamo gid nga salamat Manong Erning sa ginpakita mo nga interes sa akon munisepyo. Gani upod sang tanan nga mga opisyales sang PCM diri nga yara sa idalum sang liderato ni Rep. Manny Pacquiao, akon nga mga kasimanwa kag tribo sang mga Blaan kag Taga-Kaulo, ginasiguro ko sa imo nga ikaw ang manguna sa amon listahan sa pagka-senador sa umaabot nga piniliay,” ani Constantino.
Naging masaya rin sa kanilang paguusap sina ABC president Delia F. Constantino at Maceda, kasabay sa pagunita ng mga nadaang panahon na buhay pa at naging magkaibigan ang kabiyak na si dating Sarangani Vice Governor Filepe K. Constantino at ang naturang senador.
Dahil na rin sa maganda nitong ipinakita sa publiko bilang Senador noong taong 1971-1987-1992 ay naging presidente ng Senado si ‘Manong’ noong 1996-1998. Naging ambassador to the US din ito noong taong 1999-2001, at humawak ng ilan pang mga matataas na katungkulan sa gobyerno kung saan ay tinagurian ito bilang si “Mr. Exposé ng Philippine Free Press.
Samantala, sa kasalukuyang bilang na 54, 000 botante, ang bayan pa rin ng Malungon ang itinuturo na nakapagbibigay ng may pinakasolido na bilang ng boto basi sa mga naitalang mga dokumento ng Comission on Elections nitong mga nakaraang mga taon.
Sinasabi rin ng marami na matapos na matalo sa kanyang pagtakbo sa pagka-alkalde noong 2004 si Constantino (vice mayor Constantino vs. incumbent mayor Teody Paderrnilla) ay muli itong nakapaglunsad ng kanyang kandidatura at nanalo sa pagka-alkalde sa tulong ng matalik nitong kaibigan na si Rep. Pacquiao noong taong 2007. Nanalo ito ng may 1, 547 votes laban kay Padernilla.
Dahil sa pagiging natatanging oposisyon town sa Sarangani, nakipaglaban at tumayo ang bayan ng Malungon na walang kinikilalang matataas na opisyal o inaasahan na ano mang tulong mula Kapitolyo sa loob ng may tatlong taon.
Taong 2010 ay muling nagharap sina Constantino at Padernilla kung saan nanalo via ‘landslide’ si Constantino sa bilang na 11, 383 na boto laban sa grupo ng Chiongbian-led Sarangani Reform and Reconciliation Organization o SARRO.
Sinasabi na dahil na rin sa ‘unidad’ ng mga Malungonians ay nagsisilbi na rin ito ngayon bilang ‘deciding point’ ng mga provincial candidates tuwing eleksiyon.
Sa kasalukuyan, dahil na rin umano sa patuloy na pamamayagpag ng progreso sa naturang bayan ay kinikilala na ito ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Gob. Miguel Alkantara-Dominguez bilang ‘spearheader of progress and development’ sa buong lalawigan. (Isagani Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment