----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – MAHIGIT-kumulang sa ‘sandaang mga magsasaka ang
muli’y nakatangap ng ayuda sa pagtatanim sa hangarin ng lokal na pamahalaan na
patuloy na pagtibayin ang programa nito sa agrikultura.
Sa
ilalim ng flagship program sa agrikultura ay
muling pinamunuan ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino noong araw ng
Lunes (Oktobre 15, 2012) ang pamamahagi ng abono,
seeds at iba pang mga materyales sa pagtatanim sa may MP Square ng Bahay
Pamahalaan para sa ayon pa’y patuloy na pagyabong ng mga
pataniman sa kabukiran na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan
sa panig na
ito ng lalawigan.
Kaugnay nito ay muli ring pinayuhan ng alkalde ang mga
lideres sa bawat barangay na mging aktibo sa pagbabantay sa mga ibinabahaging
tulong ng gobyerno para matiyak na nagagamit ito sa tamang pamamaraan.
“Help
yourselves, and I assure you that I am always here to support you. So be sure
that every seed will planted, grow and bore its fruits, tungod kay ini ang magabulig sa
aton tanan,” ani Constantino.
Sinabi rin ni Mun. Councilor Jessie Dela Cruz, may
hawak ng kumitiba sa edukasyon na dapat lamang bigyan ng sapat na halaga ang
pagsasaka dahil narito ang daan para mabigyan ng sapat na edukasyon ng mga
magulang ang kani-kanilang mga anak para sa mas maganda, maunlad at matibay na
kinabukasan.
“Nagtuo ko nga yara lamang sa husto nga edukasyon ang
pag-asa natong tanan nga makalingkawas sa tuman nga kawadon o kapobrehon. Gani
ayaw ninyo pasagdi ang inyong mga kayutaan tungod kay naa lamang diha
nahimutang ang maayong bwas damlag natong tanan. Kay bisan pa nga nag-gahin ug
may P5M nga pundo ang atong lokal nga gobyerno sa kada tuig para sa atong programa
sa libreng edukasyon, kini dili pa sa gihapon mahimong supesiente para matagaan
nato ug insaktong kaalam ang tanan natong mga kabataan kung dili kita
maningkamot, hilabi na gyud ang mga ginikanan,” ani Dela Cruz.
Ayon
naman kay Arnold Mabalot, presidente ng municipal growers association ay napakalaking
tulong umano para sa maliliit na magsasaka nang kasalukuyang programa sa agrikultura
ni Constantino dahil marami sa mga magbubukid ang nabigyan ng pakakataon na
mapalawak ang kanilang mga sinasaka.
“Gani amo gyud nga paningkamutan nga mapalambo pa ang
among mga tamnanan ug matagaan sa insaktong pagtagad ang tanang grasya nga ginahatag
sa amo sa lokal nga pangamhanan,” ani Mabalot.
Sa kasalukuyan ay sinasabi na ang bayan ng Malungon
ang may pinakamalawak na taniman ng tubo (sugar cane) at itinuturing na
pinakamalaking supplier ng saging, asparagus at pinya sa Sarangani. Maliban dito
ay kilala na rin ang naturang bayan bilang isa sa pinakamalaking producer ng “golden
mango” sa buong Central Mindanao Region. (Isagani
Palma-MALUNGON INFORMATION OFFICE).