Wednesday, July 20, 2011

SAPOL Bulletin, namayagpag sa “Slang” photo safari-II

Miss Malungon ’11 – Ang bagong mutya ng bayan, Miss Roxanne Pasamanero ng Brgy. Malandag kasama sina (L-R) Smart  telecom Gensan manager Ruel Remiterre, Provincial Administrator Vic Camacho, maybahay ng alkalde na si FL Rosalyn at Mayor Bong Constantino. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

MALUNGON, Sarangani (July 15, 2011) - Governor Migs Dominguez   congratulates the leaders and constituents of Malungon for taking the lead in development in the whole province based on all indicators as he delivers his inspirational message during the culmination program of Slang Festival and the towns’ 42nd anniversary Friday, July 15. (Cocoy excion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

MALUNGON, Sarangani (July 15, 2011) - “Aim high, aim for the top and aim for the best” are some words of encouragement of Mayor Reynaldo “Bongbong” Constantino to his constituents as he delivers his anniversary message Friday, July 15, during the culmination program of Slang Festival 2011 and the towns’ 42nd Foundation Anniversary at the Sunken Arena. (Cocoy Sexcion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)
--------------------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – Nanguna ang pahayagang SAPOL News Bulletin sa paligsahan sa pagkuha ng mga larawan na direktamenteng nagpapahayag ng etnikong pamumuhay ng mga katutubo’t katangi-tanging yaman-kalikasan sa pagtatapos ng sanlingong selebrasyon ng 4th Slang Festival at 42nd Foundation Anniversary ng bayan.
 
Pumangalawa naman kay SNB photographer Jay Galindez si Arnel Arsolon ng pahayagang Abante Socsargen, samantalang pumangatlo naman si Rey Remegio ng Periodico Banat.

Ayon sa beteranong actor na si Christopher “Boyet” De Leon na isa rin sa mga naging hurado noong nakaraang Photo Safari noong 2009 ay naging mas mabigat na umano ngayon ang kompetisyon kung ihahambing noon dahil sa kapansin-pansing pagtaas ng kalidad ng mga larawang ipinasa ng mga nagsipaglahok sa kompetisyon.  

Kasama ni De Leon na tumayong mga hurado ay  sina Gng. Tirso Cruz III at Philip Salvador, sa ilalim ng masusing superbisyon nina Celi Ayuste, presidente ng Mindanao Tourism Council, at MTC secretary general, Jonllier Perez.

Ang Media-Photo Safari-II ay nilahokan ng mga photo journalists mula sa iba’t-ibang tangapan ng mga mamamahayag na samasamang umakyat sa mga liblib na pook ng bayan para maisalarawan ang mga preserbadong pook na nagpapahiwatig ng nakagisnang tradisyon ng mga katutubong Blaan, Kalagan at Tagakaulo. Lakip dito ay ang pagsa-larawan ng mga potential tourist spots at mga katangi-tanging bagay na makikita sa Busagan Falls, Nanima Watershed, Villareal Garden Resort, Pacman Farm at Lamlifew Community Museum and Home of the living Traditions, kung s’an nakalagak ang mga antigong kagamitan ng mga sinaunang lideres ng tribo. 

Ang ilan sa mga ipinasang larawan ay kuha mula sa sanlingong kapistahan at parada ng mga kabataan na suot-suot ang mga samot-sarinbg desenyo ng kasuotang katutubo. 

Sa pakikipagpanayam kay Mayor Reynaldo 'Bong' Constantino ay sinabi nito na 'di ito nagkamali sa kanyang pagiging malapit sa mga mamamahayag dahil sa ipinakitang kooperasyon at pagtulong nito sa kanyang bayan.  
        
Kasamang nakiisa para ikatatagumpay ng naturang kompetisyon  ay ang  mga pahayagang: The Mindanao Bulletin, Bandera, Philippine Star, Punto News, The Frontliner, Sultanate News, Southern Review, Escalera News, Dadiangas Times at Dadiangas Balita. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma)

No comments:

Post a Comment