Tuesday, July 5, 2011

Inagurasyon ng P4.5M tourism stage, pangungunahan ni Rep. Pacquiao sa Slang Festival



Makikita sa larawan si Brgy. Capt. Yolanda Santos habang personal na inaasikaso ang mabilisang pagsaayos ng Brgy. Datal Bila “Kubo-house” na siyang magiging replica ng kanyang barangay sa loob ng Sunken Arena sa darating na 4th Slang Festival ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).      
==========================================

MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ang personal na pagbubukas ni Rep. Manny Pacquiao sa proyekto nitong P4.5M Tourism Stage sa darating na ‘sanlingong selebrasyon ng 4th Slang Festival at 42nd Foundation Anniversary ng naturang bayan.

Ayon sa bagong itinalaga na Municipal Tourism Chairman ni Mayor Reynaldo F. Constantino na si Amelia “Beng” Constanino-Zuleta ay pangungunahan umano ni Rep. Pacquiao ang gagawing inagurasyon sa darating na araw ng lingo (July 10), kasabay na rin sa opisyal na pagbubuikas ng iba’t-iba pang kaganapan para sa sanlingong selebrasyon na hangang sa ika a-15 ng kasalukuyang buwan.

 “Ang proyektong ito ay kalakip sa P21M na pondong inilaan ng aming kongresista para sa pagpaganda ng Sunken Arena,” ani Zuleta.

Kaugnay nito ay inaasahan din ang sunod-sunod na pagdatingan ng mga kilalang tauhan ng sining mula sa Kamaynilaan tulad ng ‘All Stars Basketball team na inaasahang maglalaro laban sa Pacman Team ni Pacquiao at ni Philippine Councilors League (PCL) president, Alma Moreno sa municipal gymnasium.

“Sa pagkakaalam ko ay darating din si Ms. Alma Moreno na siyang president ng Philippine Councilors League, kasama ang at least limang artista para samahan ang mga meyembro nito sa PCL sa gagawing pagdiriwang,” dagdag pa ni Zuleta.

Sa pakikipagpulong ni Pacquiao sa mga lokal na opisyales ng bayan kamakailan lang ay personal din nitong ipinarinig sa lahat ang pagtawag nito sa Maynila para imbitahan si Ms. Mirian Rivera o kinikilala ngayon bilang si “Amaya” sa telebisyon.

“Malaki ang paniniwala ko na sa aming pinagsamahan (Ms. Rivera) sa iba’t-ibang programa sa telebisyon ay maaring ‘di ako tatangihan ni Mirian sa aking imbitasyon,” ani Pacquiao.

Ayon naman kay Constantino ay naniniwala ito na ang Slang Festival ngayong taon ay magiging isa sa mga pinakamasayang sandali na sama-samang ipagdiriwang ng kanyang mga kababayan.

"Alam ko na sa pamamagitan ng Slang Festival ay hindi lamang ang  magandang tradisyon ng mga nitibong Blaan, Tagakaolo at Kalagan ang maaaring mapansin ng mga dayuhan, kundi maging ang mga magagandang tanawin at yaman din ng aming mga batis at kabundokan," ani Constantino. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).

No comments:

Post a Comment