-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani - Bumuhos ang mga parangal ng alkalde para sa pinalitang hepe ng Malungon Police Station na si P/Chief Insp. Lorube Rojo sa isinagawang simple ngunit madamdaming turnover of command ceremony sa loob ng Municipal Gymnasium noong araw ng Huwebes (Septembre 4) sa naturang bayan.
Matapos ang mahigit sa 3 taon na panunungkulan ay pinalitan si Rojo ni P/Chief Insp. Jaime Tabucon na dating hepe ng investigation and detection management branch ng Sarangani Police Provincial Command.
Ayon kay Constantino, maliban sa pagiging pinakamatagal na naging hepe ng pulisya sa naturang estasyon, nagbigay din umano si Rojo ng malaking ‘impact’ di lamang sa larangan ng pagpanatili ng peace and order, kundi maging sa pagpairal ng propesyonalismo at pagbigay-respeto sa hanay ng mga nasa mababang rangko ng nasabing organisasyon.
“I have appreciated much of his command and the shared professionalism in dealing with the lower ranks. Salamat gid sa tanan nga pagsakripisyo mo P/ Chief Insp. Rojo, kay tungod nga daw wala gid ako nagka-problema sang dako sa idalum sang imo liderato bilang hepe sang pulisya diri sa akon banwa sang Malungon. In fact under your stint, our municipality has been recognized as one of the leading peaceful towns in the entire province of Sarangani,” ani Constantino.
“Kag sa aton bag-o nga liderato sang PNP, it is not my habit to interfere in the operation of the organization. So hopefully, under the new watch, we could able to maintain or even go beyond what is being expected by our peace loving citizens. Sa panig ko naman ay madali akong kausapin kung para lang sa kapakanan ng mga taongbayan. But I would just like to remind everybody that – I don’t want scalawags in uniform,” ang dagdag pa ni Constantino.
Matatandaang na sa ilalim ng liderato ni Rojo ay nagawang buwagin ng PNP ang ilan sa mga sendikatong grupo ng pagnanakaw, carnapping, hold-up at maging ang paghuli ng mga long-wanted criminals na nasa talaan ng otoridad.
Samantala, nangako naman ang bagong OIC-Chief na si Tabucon na gagawin nito ang lahat upang mapanatili ang kapayapaan at mataas na respito ng mga mamamayan sa Philippine National Police.
Bilang isang ‘rose from rank’ na opisyal ng pulisya, isa rin si Tabucon sa mga tinagurian na ‘walang bahid’ na alagad ng batas mula ng mapasok ito at manungkulan para sa kaligtasan ng mga mamamayan. (Isagani P. Palma/ Mio-Malungon).
No comments:
Post a Comment