--------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – AABOT sa 82 na aplikante (trainees) ng 1205th AFP CDC-Sarangani Basic Civil-Military Training (SBCMT) course ang tuluyan ng binura mula sa listahan ng mga nagsasanay dahil sa “kawalan ng interes.”
Sinabi ng mga military instructors na ang pagtangal sa mga aplikante ay kaugnay umno sa hangarin ng Army Reserve Command (Arescom) at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Reynaldo F. Constantino na mapaganda ang kalalabasan ng nasabing proyekto at maturuan ng wastong desiplina sa sarile ang mga bubuo ng pilot project na ito ng Armed Forces sa lalawigan.
Mula 135 katao ay naging tuloy-tuloy na umano ang paglobo sa bilang ng mga nagsasanay na isinasagawa sa tuwing araw ng Sabado’t Lingo sa loob ng Sunken Arena’t municipal gymnasium ng bayan.
Noong nakaraang pagtitipon ay umabot na umano sa bilang na 167 na partisipante ang aktibong nakibahagi sa isinagawang battalion formation.
Ayon sa ulat ay magkasamang binuo nina Gov. Migs A. Dominguez, Constantino at ng AFP-Community Defense Center ang proyekto sa hangaring mabigyan ng spat na seguridad ang kapayapaan, at dagdag na p’wersa ang gobyerno laban sa mga ‘di inaasahang kalamidad.
“This training-activity would able to upgrade our preparedness and capability in conducting rescue operations specifically during unwanted circumstances, threats on security, and natural and manmade calamities,” ani Constantino. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
No comments:
Post a Comment