Wednesday, November 30, 2011
Tribal Day celebration
Horse fight as part of culture
Sunday, November 20, 2011
Friday, November 18, 2011
Blaan-Tagakaulo (S'buno) wrestling
Tuesday, November 15, 2011
Free live telecast of Pacquiao-Marquez clash in Malungon and Alabel
Pagandahan ng dilag mula sa tribu, ilulunsad!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – Inaasahan ang pag-dagsa ng mga tribu’t panauhin mula sa mga kalapit na kabayanan at lalawigan sa susunod na lingo (Nov. 17-18) para dumalo’t makisaya sa dalawang araw na selebrasyon ng 4th –year Tribal Day ng Malungon, Sarangani.
Ayon sa inisyal na ulat, maliban sa samo’t saring kasayahan at masaganang salo-salo ay magiging isa sa mga ‘highlights’ ng naturang selebrasyon ang gagawing pagpili ng magiging reyna ng tribu, o ‘beauty pageant’ na elsplusibong lalahokan ng mga nagagandahang dilag na lehitimadong nagmula sa tribu ng B’laan at Tagakaolo lamang.
“Mas maayo man gani ini para at least makita sang tanan kung ano katahum ang amon mga dalaga diri sa Malungon,” ani Brgy. Captain Delia F. Constantino na siya ring president ng Association of the Barangay Captains (ABC) ng nasabing pook.
Isa ayon pa sa magiging pamantayan (criteria) ng paligsahan ay kung sino sa mga kakandidata ang makakasagot sa mga katanungan ng mga hurado sa pamamagitan ng tama at mat’wid na salita sa linguwaheng B’laan at Tagakaulo.
Sa ilalim ng temang “Garbo ko, Tribu ako!” ang Tribal Day ay isinusulong ni Mayor Reynaldo “Bong” Constantino bilang pagbigay galang sa mga naunang henerasyong nakapagbigay-daan para marating ng bayan ang kinaratnan nito ngayon.
Datapwat nagunguna sa 60-40 na posiyento ang bilang ng mga nitibo sa bayan, ang Malungon ay sinasabi na ang naturang bayan ang siyang nangunguna sa buong lalawigan kung ang paguusapan ay tungkol sa progreso’t katahimikan.
“Ginatagaan ko gid sang dako nga pagtagad kag respeto ang akon mga ka-tribo tungod sa ila nga ginpakita nga pagsuporta kag pagpalanga sa sini nga administrasyon nga sa karon padayon nga naga-una sa halos tanan nga aspeto. Subong man, ang tanan nga mga katawhan sang sini nga banwa sa ila nga wala nagaliwat nga pag kooperar sa sini pangamhanan. Kay tungod sang sini nga unidad kag kooperasyon, nakab-ot ta nga mga taga-Malungon ang madugay na naton nga ginahandum,” ani Constantino. (Isagani P. Palma/ MIO).
82, bagsak sa civil-military training ng Arescom-AFP
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – AABOT sa 82 na aplikante (trainees) ng 1205th AFP CDC-Sarangani Basic Civil-Military Training (SBCMT) course ang tuluyan ng binura mula sa listahan ng mga nagsasanay dahil sa “kawalan ng interes.”
Sinabi ng mga military instructors na ang pagtangal sa mga aplikante ay kaugnay umno sa hangarin ng Army Reserve Command (Arescom) at lokal na pamahalaan sa pamumuno ni Mayor Reynaldo F. Constantino na mapaganda ang kalalabasan ng nasabing proyekto at maturuan ng wastong desiplina sa sarile ang mga bubuo ng pilot project na ito ng Armed Forces sa lalawigan.
Mula 135 katao ay naging tuloy-tuloy na umano ang paglobo sa bilang ng mga nagsasanay na isinasagawa sa tuwing araw ng Sabado’t Lingo sa loob ng Sunken Arena’t municipal gymnasium ng bayan.
Noong nakaraang pagtitipon ay umabot na umano sa bilang na 167 na partisipante ang aktibong nakibahagi sa isinagawang battalion formation.
Ayon sa ulat ay magkasamang binuo nina Gov. Migs A. Dominguez, Constantino at ng AFP-Community Defense Center ang proyekto sa hangaring mabigyan ng spat na seguridad ang kapayapaan, at dagdag na p’wersa ang gobyerno laban sa mga ‘di inaasahang kalamidad.
“This training-activity would able to upgrade our preparedness and capability in conducting rescue operations specifically during unwanted circumstances, threats on security, and natural and manmade calamities,” ani Constantino. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
Subscribe to:
Posts (Atom)