MALUNGON, Sarangani – INAASAHAN ang mabilis na pagtayo ng dalawang silid-aralan na nagkakahalaga umano ng may P.8M sa isang liblib na pook ng tribong Blaan dahil sa mahigpit na pagkakaisa ng militar, media at ng lokal na pamahalaan.
Sa tulong ng ABS-CBN Sagip Kapamilya at AFP National Development Support Command o NADESCOM ay naniniwala si Mayor Reynaldo F. Constantino na lalong mapapatibay ng LGU ang programa nito sa edukasyon sa sitio Lamlifew, Brgy. Datal Tampal kung saan naroroon ang Blaan School of Living Tradition na nagsisilbing “buhay” na imbakan ng mga antigong kagamitan at mga sinaunang pamamaraan ng pamumuhay ng kulturang Blaan.
“Una sa lahat ay pinasasalamatan ko si 1002nd Army brigade commander Col. Gloriouso Miranda dahil sa ibinigay nitong opurtunidad para makapili ako ng lugar ng mga IPs na kung saan ilalagay ang naturang proyekto. Kaugnay nito ay pinapasalamatan ko rin ang NADESCOM at ABS-CBN sa suportang ibinahagi nito sa local education project ng pamahalaan na alam kong malaki ang maitutulong sa hangarin ng LGU na mabigyan ng nararapat na edukasyon ang mga maliliit na tribo. Ito ay dahil naniniwala ako na tanging nasa tamang edukasyon lamang ang daan para tuluyang maihango mula sa kahirapan ang mga maliliit na mamamay,” ani Constantino, sa gitna ng isinagawang ground breaking ceremony na nilahokan din ng mga matataas na opisyal ng DepEd at provincial government kamakailan lang.
Ayon kay Capt. William Alfred T. Rodriguez ng AFP 1002nd brigade public affairs office, kalakip umano ng naturang programa ang may 120-days na feeding program ng ABS-CBN at pagpapa-aral ng 3 scholars sa collegio na magmumula din sa nasabing pook ng mga minoridad.
Maliban sa mga materyales na magmumula sa ABS-CBN at sa gagawing pagsaayos nito ng AFP 512th Engineering Battalion ay magiging bahagi naman umano ng lokal na pamahalaan ang pagbigay ng may 112 sq. meters na pagtatayuan ng mga silid-aralan ng Lamlifew Elementary School.
Sa isang maikling mesahe ay sinabi ni Col. Gloriouso Miranda na ang naturang proyekto ay kaugnay sa layunin ng pamahalaan na maipadama at maipaabot sa mga malalayong pamayanan ang sensiridad nito na matulungan ang mga higit na nangangailangan at maibahagi ang tunay na kahulugan ng kapayapaan. This project is the actualization of the government’s Internal Peace and Security Plan (IPSP) “Bayanihan”. This plan entails the convergence of efforts of all stakeholders including the public and private sectors. “In our Peace and Development Outreach Program (PDOP), the primary ingredient is the developmental efforts in the area. The military will always be a conveyance of the LGU to help them bring the basic services to far-flung areas. Insurgency is not only a military solution, rather, all peace and development stakeholders should converge and collaborate with each other for the primary purpose of achieving lasting peace and sustainable development”, ani Miranda.
Kasama sa umendorso ng naturang programa ay sina Marcel Rinon, Sagip Kapamilya social development manager, Army Col. Manuel Ramiro ng NADESCOM, Sarangani Board Member Eleonor Saguiguit, Michael Bren Evangelio, Chief of Staff of Congressman Pacquiao, Dr Allan Farnazo, Sarangani Schools Division Superintendent, Malungon Vice-Mayor Benjamin Guilley at Datal Tampal Brgy Capt Mila Ingles.(Isagani Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE).
No comments:
Post a Comment