Sunday, August 14, 2011

P1.2M electrification project ng LGU at Socoteco II, lumiwanag na!

Electrification Project – Mayor Reynaldo “Bong” Constantino (right), assisted by (L-R) Brgy. Capt.  Modesto Aban, Socoteco II Public Relation Officer Vicky Fernandez and Board Member Mark Henson Villareal, spearheaded the inauguration of LGU-Socoteco P1.2M electrification project in Sitio Dalamuan, Brgy. Lutay, Malungon, Sarangani. (Isagani Palma/ MIO-Malungon)
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


MALUNGON, Sarangani – MALAYO man at may kataasan ang kinahihimlayan ng ilang mga liblib na pook ng bayan ay di ito naging hadlang sa layunin ni Mayor Reynaldo “Bong” Constantino na mabigyan ng “ilaw” o elektrisidad ang mga nasa kabundokan.


Noong araw ng Huwebes ay muli na namang pinangunahan ni Constantino ang opisyal na pagbubukas ng may P1.2 milyones na proyekto ng Socoteco II at ng lokal na pamahalaan sa sitio Dalamuan,  isang maliit na kabayanan ng mga nitibong Tagakaulo sa may hanganang bahagi ng Sarangani at Davao Del Sur.                


“Isa sa akon daku nga damgo sadtong board of director ako sang Socoteco II, amo ang makita nga may mga nagasiliga nga senyales sang elektrisidad sa aton kabukiran. Gani sa akon pagka-mayor, isa sa gingahinan ko gid sang pundo amo ang elektripikasyon, hilabi na didto sa mga madulom nga lugar sang Malungon. Kag amo na ini ang isa sa mga masanag nga ehemplo sang padayon nga pagpaninguha sang inyo kasamtangan nga liderato. Sa subong,  pipila na lamang ka mga barangay ang nabilin nga ginapaninguhaan ko pa nga mabutangan sang kuryente. Ini tungod dako ang akong pagpati nga luwas sa kasanag nga mahatag sini , isa man ini ka daku  nga rason kag kontribusyon, para mapadayon naton ang pagmintinar sang katawhayan kag kalinong sa pagpangabuhi sang aton katawhan,” ani Constantino.

Sa gitna ng naturang pagtitipon ay ipina-abot din ng alkalde sa mga mamamayan, na isa din umano ang Dalamuan sa mga pinalad na makakatangap ng may kalahating milyong pesong (P.5M) benepisyong mula sa Mindanao Rural Development Program ng Department of Agriculture.  
 
“Mapalad ang Brgy. Lutay dahil kailanma’y di naging hadlang ang aming malayong kinaroroonan mula sa wastong paglingap ng aming lokal na pamahalaan. Kahit sa kabila ng katotohanan, na noo’y  naging kasapi ako ng mga oposisyon laban sa hanay-pulitiko nina Mayor Constantino,” ani Brgy. Capt. Aban.   
    

Isa sa mga proyekto nina Constantino at Rep. Manny Pacquiao sa Dalamuan ngayong taon ay ang pagpatayo ng may P50, 000 na halaga ng bahay-tanghalan na .  nasundan ng pagpagawa at pagkumpuni ng mga sirang silid aralan. May ilang araw mula ng ganapin ang isang lingohang  programa ng LGU na ‘Lingap sa Barangay’ ay ang biglaang pagdating naman dito nina Gob. Miguel Dominguez at Constantino  para sa ocular inspection ng mga isinasaayos na daan (provincial roads). Kaugnay nito ay personal din na tiningnan ng mga naturang opisyal ang kasalukuyang sitwasyon ng mga mag-aaral sa Dalamuan Elementary School.

Ayon kay Aban ay kasalukuyan na ring inaasahan ng lahat, lalo na ng mga kabataan, ang pagdating ng may 2, 000 donasyon na tsenilas mula Sagitarious Mines Inc. (Isagani Palma/ MIO-Malungon).

No comments:

Post a Comment