New school, new hope – KASABAY ng opisyal na pagbubukas ng Filepe K. Constantino Elementary School sa Brgy. Datal Tampal ay muling nagbigay ng matibay na katiyakn si Mayor Reynaldo “Bong” Constantino na gagawin nito ang lahat para sa edukasyon ng mga batang B’laan at Taga-Kaulo sa bayan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma).
========================================================
“HINDI dapat ikahiya ang tribo, dahil ang susunod na hinirasyon nito ay malayo na sa kamangmangan na tuwina’y naging sanhi pagmamaliit sa kakayahan nating mga B’laan at Taga-kaulo,” ito ang mensaheng pinabot ni Mayor Reynaldo “Bong” Constantino na isang half-blooded B’laan sa opisyal na pagbubukas kamakailan lang ng Felipe K. Constantino Elementary School sa Bgry. Datal Tampal, Malungon, Sarangani.
Sinabi ni Constantino na sa pamamagitan ng pagpatibay ng edukasyon sa mga bagong henerasyon ng mga indigenous people ay tuluyan nang makakamtan ng mga ito ang tamang daan at pamamaraan upang makawala sa kadena ng kahirapan.
“Let us free ourselves from the bondage of inferiority only because we are born to be B’laans. Tungod kay sa idalum sang akon nga administrasyon, pagahimuon ko ang tanan para maidukar sang maayo ang aton nga mga kabataan kag mahimo ini sila nga mga tuod-tuod nga lideres sang aton banwa sa pag-abot sang tama nga panahon,” ani Constantino, sa gitna ng naturang okasyon na dinaluhan din ng mga matataas na mga opisyales mula sa Departamento ng Edukasyon.
Ang FKCES ay itinayo bilang alay at pag-alaala (tribute) sa matagal na panahong ibinuhos sa pagserbisyo publiko ng namayapa na dating bise gobernador ng Sarangani at alkalde ng bayan na si Felipe K. Constantino na ama ng kasalukuyang alkalde ng Malungon.
Sa pagbubukas ng FKCES ay kasabay ding isinagawa ng local na pamahalaan ang pag turn-over ng apat na silid-aralan na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang sa P1-milyon.
Kaugnay nito ay nangako din si Constantino ng halagang P200, 000 para sa ayon pa’y pambili ng mga karagdagan silya, mesa at iba pang gamit pangpaaralan.
Maliban sa LGU ay naging labis-labis din ang pasasalamat ni Brgy. Capt. Mila Englis kay Rep. Manny Pacquiao dahil sa tulong-pinansiyal na ibinigay nito para sa ikatuparan ng naturang proyekto, lakip na ang isang Ms. Viany Tan na ayon pa’y nagbigay din ng donasyong P50, 000 para sa karagdagang construction materials ng paaralan.
Sa kanyang mensahe ay ipinaalam naman ni DepEd district supervisor, Dr. Nora Nerpiol ang planong pagdagdag ng may apat pang silid-aralan ng DepEd para sa FKCES.
Ayon kay FKCES principal Lourdes Esberto ay nagsimula lamang sa may 138 na mag-aaral ang naturang pamantasan noong June 2009, hangang sa lomobo ito sa may 311 ngayong taon.
Aniya, ang FKCES ay isang katuparan para sa sampling pangarap na makapag-aral ng mga batang B’laan at Kaulo na karamihan nito ay mula pa sa matataas na kabundokan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon)