COYUGG nourishes the children– More or less 290 pupils in Malungon Central Elementary School (MCEL) savor the great taste of “arroz con caldo” (otherwise known as Spanish chicken soup) during a mass feeding stressed by the Concern Youth United for Good Governance (COYUGG) in Malungon, Sarangani. The group, led by founder Thessa (2nd daughter of Mayor Reynaldo F. Constantino), was also assisted by (L-R) Malungon town first lady Roselyn D. Costantino, COYUGG Board of Trustee Mark Henson Villareal and MCES principal Leah Farnazo Tingson during the said activity. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).
MALUNGON, Sarangani – AABOT sa mahigit-kumulang 290 na mga batang ma-aaral ang
masayang nakibahagi sa isinagawang “mass feeding” activity noong araw ng B’yernes ng
grupong Concern Youth United for Good Governance o COYUGG sa Malungon CentralElementary School dito sa naturang bayan.
Ayon kay COYUGG founder Thessa Constantino, pumapangalawa sa apat na anak ni Mayor Bong Constantino, ang adhikain ng kanilang samahan ay ‘di lamang nakatuon sa pagbigay-daan para sa mga angking kakayahan at talento ng mga kabataan sa entablado, kundi maging sa pagtaguyod na rin ng tunay na kahulugan ng unidad at wastong pagkalinga sa mga higit na nangangailangan.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay isa ang mga COYUGG Dancers sa mga naging ‘finalists’ ng programang Showtime ni Vice Ganda sa ABS-CBN giant television network na naka-base sa kauluhang Maynila.
Maliban dito, noong mga nagdaang araw ay unti-unti na ring nakilala ang COYUGG dahil sa ipinapakitang pagpapahalaga sa mga kabataan, lakip na sa pamimigay ng mga used clothing, laruan, medisina at iba pang bagay na nakakapagpasaya sa mga dukha’t walang-wala tuwing kapaskuhan.
Ayon kay Thessa ay kasalukuyan din nitong pinag-aaralan ang pagpapatayo ng isang talent studio sa lokalidad.
“Sana po ay kaawaan pa ako ng ating mahal na Poon nang sa gayo’y mas lalo ko pang matulungan ang mga naghihikahos kong mga kababayan,” ani Thessa, na sa kasalukuyan ay nananalangin din na sana’y mapabilang ito sa mga palaring makapasa sa BAR Exams para sa kurso nitong Abogasiya. (MALUNGON INFORMATION OFFICE/ ippalma)