Thursday, December 29, 2011

LGU-Phil. EAGLES humanitarian mission

Goods for “Sendong” victims - MATAMANG pinag-aaralan (L-R) nina Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino at Kuya Salvador ‘Badong’ Ramos, national president ng The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles), ang tamang sestima ng transportasyon sa unang-bahagi ng may P.4M-halaga ng gamot, pagkain at used clothing mula sa bayan ng Malungon, Sarangani patungo sa mga biktima ng super typhoon ‘Sendong’ sa Iligan at Cagayan De Oro City, Northern Mindanao Region. Makita din sa larawan sina Eagle Kuya Anton Teruel, former town councilor Ben Santos (partly hidden) at MSWDO Mildred Dela Cuesta. (JoJo Gocotano – MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Conjoint Mission – MASIGLANG nilagdaan kahapon nina Mayor Reynaldo F. Constantino at Salvador T. Ramos, Nat’l President ng grupong The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) ang memorandum of agreement hingil sa ipapadalang tulong na gamot, pagkain at relief goods na nagkakahalaga ng may P.4M sa mga sinalanta ng bagyong “Sendong” sa Cagayan De Oro at Iligan City, Northern Mindanao Region. Makikita din sa larawan sina (standing L-R) EAGLES Kuya Leody Aramada, LGU-MIO Isagani Palma, Kuyas - Ed Delima, Anton Teruel, Jonas Munasque at Ric Yap. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

RFC-Agila Mission - MAKIKITA sa larawan ang madaliang pag-impake ng mga Barangay Nutrition Workers kahapon ng may P.4M na halaga ng used clothings, pagkain at gamot  sa bayan ng Malungon, Sarangani para sa isang joint humanitarian mission sa pangunguna ni Malungon town Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantio at Kuya Salvador T. Ramos, national president ng grupong The Fraternal Order of Eagles (Philippine Eagles) sa mga biktima ng bagyong ‘Sendong’ sa Iligan at Cagayan De Oro City, Nothern Mindanao Region. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Monday, December 26, 2011

Isang trak na bigas, pamasko ni Pacquiao sa ‘RFC-Sagip Bata’

MHO caregivers – Si Dra. Rafaida Garay-Hernandez (4th- R), Municipal Health Officer, kasama ang hukbo ng mga health workers sa isang souvenir shot sa gitna ng isinagawang “Sagip-Bata Year-II” na programa ng lokal na pamahalaan Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

SAGIP BATA II – MAKIKITANG buhat-buhat ni Rep. Manny Paquiao ang isa sa dalawang polio (infantile paralysis) victims ng sitio Dalamuan, Brgy. Lutay patungo sa pamaskong wheeled-chair, samantalang masaya namang nakamasid sina Mayor Bong Constantino at MHO Dr. Rafaida Garay-Hernandez (partly hidden) sa gitna ng isinagawang ‘RFC-Sagip Bata-II) na programa ng lokal na pamahalaan sa bayan ng Malungon, Sarangani. ( JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)

Pamasko ni Mayor Bong– ABALA sa kanyang paglibot si Mayor Bong Constantino para mamigay ng regalo sa may 250 na mga batang dumalo sa ‘Sagip-Bata II’ na programa ng lokal na pamahalaan sa Malungon, Sarangani. Ang pamimigay ng gift packs, laruan, t-shirts lakip ang masaganang kainan (with clown entertainers) ay naging taonang bahagi na  ng Kapaskohan sa bayan sa hagarin ni Constantinong maipadama sa mga paslit na naninirahan sa mga matataas at malalayong bahagi ng kabundokan, ang tunay na halaga ng pagbibigayan at pagmamahal sa kapwa tuwing Kapaskohan. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani – TINATANTIYA na aabot P400, 000 ang halaga ng bigas na ipamamahagi ni Rep. Manny D. Pacquiao sa may 250 na mga kabataang nakiisa sa taonang “Sagip Bata” program ni Mayor Reynaldo F. Constantino sa Malungon, Sarangani.

Ayon sa ulat ay di umano inaasahan ng mga bata ang biglaang pagsulpot ng kongresista sa pagtitipon na sadyang inilalaan ni Constantino para sa mga paslit, lalo na yaong mga nanininirahan sa mga matataas na kundokan tuwing Kapaskuhan.

Ani Pacquiao, ang aginaldong tig-isang (1) sakong bigas sa may 250 na batang kasapi ng programang “Sagip-Bata year-II” ng lokal na pamahalaan ay bahagi lamang ipinangako nitong suporta para sa kalusugan ng mga batang Sarangans.

“Wala gyud ko nakalimot sa inyo tanan hilabi na sa atong mga kabataan. Gani akong ginasiguro nga magapadayon ang tanang programa namo ni Mayor Bong hilabi na katong para sa kaayuhan sa panglawas dinhi sa atong banwa sa Malungon. Ug kauban sa sini nga kasiguruhan ako pud nga ginapaabot sa inyo ang daku nakong pagpasalamat sa tanang suporta nga gipakita ninyo sa akong administrasyon,” ani Pacquiao.

Sa ilalim ng temang:“Kalusugan ay kayamanan, kabataan ay alagaan tungo sa maunlad na baya” ay iniipon ni Constantino ang mga paslit at mga batang may kapansanan para umano’y makapagdiwang ng Kapaskuhan sa loob ng Municipal Gymnasium taon-taon.

“The presence of our beloved Congressman Paquiao today is of lucid proof that he (Pacquiao) has never renege to his promise  sa aton nga magapadayon nga yara permi sa aton ang presensiya kag pagpalanga sang aton kongresista despite of his hectic schedule to serve the whole people of Sarangani,” ani Constantino.

Sa gitna ng naturang okasyon ay magkasama ring namigay sina Constantino at Pacquiao ng mga pamaskong wheel-chairs sa dalawang polio o infantile paralysis victims, kung saan personal na pinangko ni Rep. Pacquaio ang bawat isa patungo sa kani-kaniyang upuan. Kalakip nito ay namahagi din ng gift packs na may kasamang bigas, assorted health-care items, t-shirts, at apples ang lokal na pamahalaan sa gitna ng isang masaganang kainan at entertainments ng mga clowns.
          
             This undertaking was conceptualized because of Mayor Constantino’s desire to let poor children feel the essence of love and giving during the special celebration of the Yuletide season,’ ani Dra. Rafaida Garay-Hernandez na siyang Municipal Health Officer ng bayan. (Isagani P. Palma/ MIO-Malungon)

Thursday, December 15, 2011

ABS CBN, ‘Peace Builders’ beams new hope to village children


New ‘light’ of dawn – (L-R) Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino, ABS-CBN ‘Sagip Kapamilya’ program director Tina Monzon Palma and Gov. Miguel ‘Migs’ Dominguez express confidence that the inauguration of the P.8M-worth 2-classroom project by ABS-CBN Foundation, National Development Support Command and both the local and provincial government will help boost the learning system to some 400 pupils of Lamlifew Elementary School in Brgy. Datal Tampal, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).


ABS-CBN, Nadescom in Malungon – (L-R) Brend Evangelio of the Congressional Office, Mayor Reynaldo F. Constantino, ABS-CBN ‘Sagip Kapamilya’ program director Tina Monzon Palma, Gov. Miguel A. Dominguez and Major General Carlos Holganza, commander of the National Development Support Command exchange some point of views in Lamlifew Elementary School amid the ongoing inauguration and official turn-over of ABS-CBN Foundation and Nadescom’s P.8M-worth 2-classroom project in Brgy. Datal Tampal, Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).


Ribbon cutting for Sarangani classroom
MALUNGON, Sarangani (December 9, 2011) - Governor Migs Dominguez, Mayor Reynaldo Constantino, head teacher Romeo Bogador, Board Member Nene Saguiguit and Tina Monzon Palma lead the cutting of ribbon Friday, December 9, during the inauguration  of a two-classroom building  and launching of feeding program for Lamlifew Elementary School from ABS-CBN Foundation. (Cocoy Sexcion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

Token of appreciation from Sarangani
MALUNGON, Sarangani (December 9, 2011) - Tina Monzon Palma is delighted as she receives an authentic hand-woven malong (tube skirt) from Malapatan as a token of appreciation of the provincial government during the inauguration of one unit two-classroom building and launching of feeding program for Lamlifew Elementary School from ABS-CBN Foundation. Looking on are Governor Migs Dominguez, Board Member Eleanor Saguiguit, Vice Governor Steve Solon and Mayor Reynaldo Constantino. (Cocoy Sexcion/SARANGANI INFORMATION OFFICE)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – Tribal communities and top local and provincial government officials have lauded the swift construction of the P.8M-worth 2-classroom project by the ABS-CBN Foundation and the Army’s National Development Support Command (NADESCOM) at Lamlifew Elementary School in Brgy. Datal Tampal here, this municipality.

                Mayor Reynaldo F. Constantino said the project was made possible through concerted effort of AFP-Nadescom, ABS-CBN’s ‘Sagip Kapamilya’ program, local government of Malungon, Department of Education and the provincial government of Sarangani.

                  “Launched on September (this year), the project spearheaded by both ABS-CBN television network and Nadescom aims to enhance the educational facilities of schools located at far flung villages.  And such, this project was of great help to us specifically in our priority to strengthen learning facilities in places which are predominantly occupied by our indigenous peoples” Constantino said.     
  
                Aside from the project opening, ABS-CBN Foundation through its ‘Bantay Bata 163’ program also launched a 120-day feeding program in Lamlifew Elementary School, purposely to supplement underweight pupils with nutritious food and other needed nutrients.

                     “I am very much willing to prize every pupil that would able to gain weight of at least five kilogram after the feeding program,” Palma said.

                    Meanwhile, General Holganza also thanked the assistance and cooperation shown by the local community to NADESCOM and the rest of the working soldiers during the process of the project construction. He assured locals of more NADESCOM support in an aim to help enhance the living condition of meager constituents in the entire country.

                    Reports said the recent ABS-CBN and NADESCOM projects in Malungon, Sarangani and Brgy. San Jose, General Santos City  have marked the completion of at least 12 school buildings that were built by the Army soldiers, nationwide. (Isagani P. Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE).

LGU, namahagi ng maagang ‘pamasko’ sa Senior-Citizens


Seniors in carol – Sa samyo ng mga simple't madamdaming awitin ay maagang ipinadama ng mga m’yembro’t opisyales ng Senior Citizens Federation kina (R-L) Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino at Vice Mayor Ben Guilley ang kanilang pamasko sa pamamagitan ng walang humpay na pagsuporta sa lahat ng mga programa ng LGU sa loob ng Bahay Pamahalaan ng Malungon, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
 -------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MALUNGON, Sarangani – HALOS ‘di magkamayaw sa saya ang mga opisyales at m’yembro ng Senior Citizens Federation nitong bayan dahil sa maagang pamasko at salo-salong inihanda ng lokal na pamahalaan nitong nakaraang lingo.

Ayon sa mga bumubuo ng Senior Citizens Federation of Malungon, ang patuloy na pagkilala ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ng kahalagahan ng mga nakakatanda ay patunay lamang ng isang matatag na administrasyon na marunong lumingon sa mga naitulong at kontribusyon ng mga matatanda tungo sa pinakakaasam ng lahat na progreso’t pamamayagpag ng bayan.   

Noong lunes ay masayang nag-caroling sa mismong tangapan ni Constantino sa loob ng Bahay Pamahalaan ang mga kumatawan sa may 510 na m’yembro ng SCF, na sinundan noong araw ng Martes ng isang simple ngunit puno ng kasiyahang Christmas Party para sa mga nakakatanda sa loob ng Sunken Arena sa pamumuno nina Constantino, Bise-Mayor Benjamin Guilley at municipal councilors Joseph Calanao at Jessie Dela Cruz.

“Gusto ko lang ipa-abot sa tanan nga mga ginikanan nga kung ano kamo kapalanga sang akon amay (Late Malungon Mayor and Sarangani Vice Gov. Felipe K. Constantino), wala sang bisan gamay nga nagbag-o sini tungod kay palanga ko man kamo tanan. Kag ginapasalamatan ko man ang inyo (senior parents) ginhatag nga pag-intiende sang akon nga mga nagin kakulangan hilabi na gid sadtong yara pa ako sa akon madulom nga mga kagahapon sang akon kabatan-unan,” ani Constantino. 
   
Kaugnay nito ay nagbigay naman ng matibay na kasiguruhan para sa kanilang suporta sa lahat ng mga programa ng gobyerno ang naturang grupo sa pangunguna ni SCF Pres. Albina Sequito.

Matatandaan na noong nakaraang buwan ay pinarangalan din ni Constantino ang grupo ng mga matatanda sa gitna ng isinagawang selebrasyon ng Elderly Fil-Week sa ilalim ng temang:” Nakakatanda: Gabay, tulay, kaagapay at bantay tungo sa kaunlaran.” Ayon sa alkalde ay gagawin umano nito ang lahat para sa kapakanan at ikabubuti ng mga senior citizens na siyang ugat ng halos lahat nang mga masasayang kaganapan ngayon dito sa bayan. (Isagani Palma - MALUNGON INFORMATION OFFICE)


Wednesday, December 14, 2011

MODEL BARANGAY – Association of the Barangay Captains (ABC) president and Malandag Brgy. Captain Delia F. Constantino is warmly cheered by Cong. Manny Pacquiao and son, Malungon Mayor Reynaldo F. Constantino for receiving on Thursday, the prestigious “Ulirang Barangay Award” from the Department of the Interior and Local Government. The award was handed to Constantino during the official opening of Sarangani’s 19th-year Founding Anniversary celebration and 9th MonahTo (First People) Festival at the Provincial Capitol Compound in Alabel, Sarangani. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATIN OFFICE).

Deeper Thoughts – What Rep. Manny Pacquiao and Mayor Bong Constantino shares in mind as to this moment might be forever kept, but the lucid illustration of true friendship and profound partnership between them shall for sure persist in the wits of those who have able to capture this much unguarded moment amid the Thursday opening of the 19th Foundation Anniversary and 9th MonahTo Festival at the Capitol ground in Alabel, Sarangani Province. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).


DENR-LMB, suportado si ‘Pacman’ sa pagbuo ng bagong bayan


New Town – WALANG kagatol-gatol na nagpahayag ng matibay na suporta sa gagawing pag-endorso ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng Brgy. Malandag sa Kamara para maging ganap na ika-8 bayan ng lalawigan  si Department of Environment and Natural Resources-12 Land Management Bureau (LMB) Dir. Morakie Domanday (kanan), sa gitna ng isang masiglang pag-uusap nila ni Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino sa tangapan ng huli sa Malungon, Sarangani. Makikita din sa larawan si Congressional Office chief of staff Bren Evangelio. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE).

DENR Support – MATAMANG nakikinig sina (L-R) Malungon, Sarangani Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino (Gitna), DENR-12 Land Management Bureau director Morakie Domanday (Kanan) at Congressional Office chief of staff Bren Evangelio kay municipal planning and development officer Nonito Nunez habang nag-uulat ang huli hingil sa isinasagawang preparasyon ng lokal na pamahalaan kaugnay sa planong pag-endorso ni Rep. Manny Pacquiao ng Brgy. Malandag sa Kamara bilang ika-8 bayan ng kanyang distrito. (JoJo Gocotano-MALUNGON INFORMATION OFFICE)
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------

MALUNGON, Sarangani - HANDANG-HANDA na umano ang mga kakailanganing dokumento para sa gagawing pag-endorso ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng Brgy. Malandag sa Kamara para maging ika-8 bayan ng lalawigan ng Sarangani. 
 
Sa pagdalaw kamakailan lamang nina DENR-12 Land Management Bureau (LMB) dir. Morakie Domanday at congressional office chief of staff Brend Evangelio kay Mayor Reynaldo ‘Bong’ Constantino ay hayagan namang ipinaabot ni Domanday ang isang matibay na suporta para sa nasabing proyekto, kaalinsabay ng kahilingan nito na dapat maging komplet ang mga isusumiteng mga papeles ng LGU sa tangapan ng Land Management Bureau na nakahimlay sa karatig lalawigan ng Timog Kotabato.

“Naniniwala kasi ako na dumaan na ito sa masusing biripekasyon at pag-aaral ng lokal na pamahalaan.  And besides, our agency is always ready to support such kind of endeavor, in its noble aim to boost the living condition of the common tao. Kaya’t asahan po ng lahat ang aming suporta dahil naniniwala din ako na sa tulong at pagsusumikap ng ating iniidolo (Rep. Pacquiao) ay lalong mapapabilis at tuloy-tuloy na po ang takbo ng mga nararapat na proseso,” ani Domanday.

               Buo naman ang paniniwala ni Constantino na wala ng magiging hadlang sa paging ganap na bayan ng Malandag dahil sa nakikita nitong pagkakaisa ng mga opisyales mula probinsiya, LGU at maging sa hanay ng mga ordinaryong mamamayan na kaytagal na rin umanong naghihintay para sa pagkabuo nito.“

“Parti pamulitika, siguro nagapati ako nga daku ang pwede magin epikto sini sa akon.  This is considering Brgy. Malandag that lays the Southern part of town as my birth place and since then deemed by many as a political stronghold to the Constantino family. Pero nakita ko ambi nga may ara pa gid sang mas maayo nga bwas damlag sa ngalan sang progreso kag nagkadaiya nga benipisyo nga nagahulat indi lamang sa mga ordinaryo nga mga tawo diri sa kapatagan, kundi hilabi na sa mga gagmay nga tribo sang mga Blaan kag Tagakaulo sa kabukiran, amo nga daku ang akon handum nga maendosar na gid ini nga proposisyon sang amon halangdon nga Rep. Pacquiao didto sa hawanan sang Kongreso para ginaplano nga pagpatindog sini nga banwa on or before 2013,” ani Constantino.

Kasama sa mga dokumento na nakatakdang isumite ni Pacquiao sa Kamara ay ang integrated income, population, total land area ng 13 mga baranagy na dati’y kabilang sa 31 na mga barangay ng Malungon, lakip ang kasiguruhan na maari na itong tumayong mag-isa at umunlad bilang ika-8 munisipalidad ng nasabing probinsiya. (Isagani Palma/ MIO-Malungon).